Huling Inta ng Ballpen

72 2 0
                                    

1st Article :)

          Habang ako'y nagmumuni- muni at di makatulog sa kalagitnaan ng gabi, naalala ko ang nakaraan na kahit kailan ay di ko maalis sa aking isipan dahil siguro ito ang una at kaisa- isang pangyayari na kumabog sa aking puso. At sa tuwing nararanasan ko ang ganito, iniiyak ko na lamang at sinusulat.

Mula nung una kitang nakilala

Di na naalis sa'king alaala

Akala ko'y di maaapektuhan

Ang aking puso pati na isipan.

Bakit ganito ang nadarama ko

Nang ika'y lumisan, puso'y naiwan

Di ko kakayanin ang sakit na 'to

Kung maaari lang ako'y iyong balikan.

Pakiramdam ko'y lagi akong talo

Sa lahat ng bagay di pa nananalo

Lahat ng mahal ko'y iniwan na ko

At wala ng natira sa buhay ko.

Hinihintay ang iyong pagbabalik

Dahil ang puso ko ay nananabik

Sana'y ikaw ay muling makapiling

At wala na akong iba pang hiling.

          Yan na lamang ang kinaya ng inta ng ballpen ko at sa wakas tapos na rin ang paghihirap ko dahil pinangako ko sa'king sarili na kapag naubos na ito ay titigilan ko ng kaawaan at di na hahayaang saktan ang aking sarli. Matutulog na ako kaya't nilagay ko na ang aking isinulat sa box na pinaglalagyan ko nito na itinatago ko sa cabinet. Pagbukas ko ng box kung saan nakalagay ang lahat ng sulat na aking ginawa ay may nakita ako...

MAY REFILL PA ANG BALLPEN KO NA NATATABUNAN LAMANG NG MGA SULAT NA AKING GINAWA!

Kathang- Isip [Random- Tula, Kwentong Barbero, Article Kuno, Etc.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon