Bakas ng Nakaraan

110 3 0
                                    

5th Poem :)

Dahan- dahang sinasamsam bawat gunita

Na para bang tayo ay di na magkikita

Ang dating masayang kahapon ay balewala

Kahit masakit kailangan mong kumawala.

Nag- umpisa ang lahat ng iyong turuan

Kung paano umibig sa 'sang kaibigan

Pero nang ika'y bigla na lamang lumisan

Bawat sakit tumatak sa puso't isipan.

Bakit ginaganito, puso'y inalipin

Kahit na anong papansin ang aking gawin

Para sayo ako'y balewala pa rin

Ika'y mananatiling pangarap nalang din.

Lungkot ang nararamdaman sa aking paggising

Dahil alaala mo'y kailangan ng tapusin

Mahirapn man sa aking ito ay tanggapin

'King kaibigan kailangan kitang limutin.

Kathang- Isip [Random- Tula, Kwentong Barbero, Article Kuno, Etc.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon