Wanted: LOVE (Case: Murder)

87 3 0
                                    

2nd Article :)

Paano ka nga ba magmahal? Sa anong paraan mo ito maipapakita ng tama? Yung walang nasasaktan at di ka nasasakit.

1. Kung nagmahal ka dahil sa itsura at pananamit niya-- ATRAKSYON yan. Sana lang kasi hindi lang sa pisikal na anyo ka tumitingin dapat alam mo rin kung sino at ano ba talaga siya para kung sakaling maging kayo man sa hinaharap, hindi ka magugulat sa mga ugaling ipapakita niya sayo. Mas magandang mamahalin mo siya dahil matagal mo na siyang nakasama at hindi yung kailan lang kayo nagkita pero dahil maganda naman siya kaya mahal mo na.

Tip: Kapag nakilala mo na kung sino at ano ba talaga siya, malay mo mapalitan ng tnay na pag- ibig ang pagtingin mo sa kanya at para di ka na rin masaktan hangga't maaga palang kilalanin mo na siya. Maganda nga ang panlabas na anyo niya pero pangit naman ang ugali niya, parang wala ring silbi ang pagmamahal mo sa kanya dahil kailanman ay di niya ito ma-a- appreciate dahil sa ugaling meron siya.

2. Kapag nagmahal ka dahil sa maganda nitong katawan at makinis na balat-- PAGNANASA yan. Mahal mo siya dahil gusto mo lang makuha ang katawan niya at pag nakuha mo na, wala na! Tapos na ang love story niyong dalawa na di mo man lang inalam kung nasaktan ba ang damdamin niya dahil sa ginawa mong basta- bastang pang- iiwan sa kanya tapos mo siyang gamitin at pagsawaan sa kama.

Tip: Sa pagmamahal na ito karaniwan na babae ang nasasaktan dito, sa una bobolahin ka ng lalaki at pag bumigay ka naman kawawa ka. Kaya iwasan ang mga lalaking walang alam gawin kundi ang pagnasaan ang katawan ng iba. Bakit kaya di nila subukang pagnasaan ang sarili nilang katawan para maramdaman nila yung sakit na pinaparamdam nila sa mga babae. Kaya paalala lang, kapag pumayag kang makipalaro, tapusan mo na para ring isang laro dahil kapag ikaw ang unang sumuko, talo ka!

3. Kung nagmahal ka dahil masipag at matalino siya-- PAGHANGA yan. Okay lang ang humanga dahil dito naman nagsisimula ang lahat pero at least may maganda kang dahilan kung bakit mo siya nagustuhan at minahal. Ang paghanga pag lumaon ay nagiging pag- ibig, di mo nga lang malalaman kung pag- ibig na nga ba ito o hindi pa. Dahil tadhana lang ang makakapagsabi kung siya na nga ba o hindi pa, kung pahiram lang ba siya o pang- matagalan na.

Tip: Sa mga ganitong sitwasyon, ingat lang sa mga paasa yung tipong kapag nalaman niyang humahanga ka sa kanya ay magbibigay naman siya ng rason para hangaan mo pa siya lalo at pag nahulog ka na ng tuluyan sa kanya saka ka naman niya iiwan sa ere at maghahanap ng iba. kaya mas maganda nang malaman mo mismo sa kanya ang totoo na ayaw niya sayo kaysa yung mabibigla ka nalang sa mga makikita mo at maiipit sa isang sitwasyon, mas masakit yun.

4. Kapag nagmahal ka at di mo alam kung bakit-- PAG- IBIG yan. Kahit na ano pang itsura niya at katayuan sa buhay, tanggap mo pa rin siya yung di mo na kailangang maghanap pa ng iba dahil ang pakiramdam mo ay siya na talaga. At ang pag- ibig ay dumarating sa pinaka di mo inaasahang lugar at panahon, yun nga lang kapag nahanap mo na ang tunay na pag- ibig at iniwan ka, doon mo mararamdaman ang sakit na kait kailan ay di mo pa nararamdaman. Pero dahil ang tunay na pag- ibig, kung kayo talaga e di kayo.

Tip: Kapag nandun ka na sa stage na pakiramdam mo siya na, siguraduhin mo muna pero di mo na kailangan pang hiwalayan mo muna siya para lang malaman mo kung siya na ba talaga. Hayaan mong malaman mo ang tunay na nararamdaman ng puso mo na na kasama mo siya kasi kapag iniwan mo na siya, di mo alam kung tatanggapin ka pa niya pag gusto mo pa siyang balikan dahil malay mo habang wala ka ay naghanap na siya ng iba na papalit sa puwang na iniwan mo sa kanya.

Ang pag- ibig para lang yang ulan eh, kung kailan di ka handa, saka siya bubuhos; tumakbo ka man o magtago siguradong mababasa ka pa rin at magkakasakit, at kung kailan naman nagsasaya ka na sa pagtatampisaw, saka naman titila at mawawala.

Kathang- Isip [Random- Tula, Kwentong Barbero, Article Kuno, Etc.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon