Ikaw

36 2 0
                                    

8th Poem :) I can't believe na nakagawa ako ng positive ang tema.

Hindi ko maintindihan ang aking nadarama

Sa tuwing kausap ka ay walang kasing saya

Kinikilig, ang ngiti'y umaabot sa mata

Sayo lang naranasan ang ganitong ligaya.

Di ko inaasahan na ika'y ganito

Yung malambing, maalaga, mabait at gwapo

Ako'y natutuwa at ika'y nakilala ko

Kung swerte ka sakin ay swerte rin ako sayo.

Naalala ko pa nung una kang nagparamdam

Pag naalala mo yun ika'y mapapaface palm

Pero ngayo'y kinakagat na tayo ng langgam

Mas matamis ka pa sa palaman na coco jam.

Panagutan mo ang puso kong 'yong pinatibok

Kahit na sinabi kong takot akong sumubok

Pinasasaya mo ako at di na nalugmok

Kaya natutong ngumiti at wag ng magmukmok.

Kapag tinanong kung ano ba ang kasiyahan

Pangalan mo ang pumapasok sa aking isipan

Kaya ang hiling ko lang ay wag ka ng lumisan

Dahil ayaw kong paulit- ulit nang masaktan.

Sa kabila ng pagpapasaya mo sa akin

Ang nais ko'y ikaw ay aking pasiyahin din

Kaya halina't makisabay sa ihip ng hangin

Kahit na saan mang lupalop tayo tangayin.

Mahal mo ako, mahal kita, ayan ang tinakda ng tadhana.

Kathang- Isip [Random- Tula, Kwentong Barbero, Article Kuno, Etc.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon