Tulad ng Dati

37 3 0
                                    

7th Poem :)

Ikaw na ang nakasanayang kasama

Nagturo sakin ng mali at tama

Nagpunas ng aking pawis at mga luha

Pinawi ang sakit at 'yong pinatawa.

Akala ko'y pag- ibig mo'y walang humpay

Yung tipong pawang walang makakapantay

Ngunit mali, kaya ako'y nalumbay

Sa akin pala ay walang gumagabay.

Pagdating sayo'y di maipaliwanag

Mga saloobin na nais ipahayag

Kahit lamang na yung mga salitang payak

Hindi ko masabi dahil nangingiyak.

Sa mga mata mo ako ay laging mali

Hinanakit sayo'y aking kinukubli

Pagmamahal mo sa'kin ay di mawari

Ito ba'y totoo o pagkukunwari.

Kathang- Isip [Random- Tula, Kwentong Barbero, Article Kuno, Etc.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon