ERALD
KARAMIHAN SIGURO ng mga tao sa mundo, gustong maituring na "hero." Sa dinami-dami ba naman ng mga superhero movie na inilalabas kada taon, napo-promote ang value ng heroism at dumarami ang mga nagpapauto sa ilusyon nito.
Naging mainstream na nga ang idea ng pagiging isang bayani. Kaya mas gusto kong sumalungat, mas gusto kong maging kakaiba. I wanted to be a villain, I wanted to be an antagonist who would spice up the story. Without a competent villain, a story would fall into obscurity. Kung walang kontrabida, mawawalan din purpose ang existence ng mga bida.
"As announced last week, today's our long quiz in Trigonometry," anunsyo ni Sir Lising, ang professor namin sa pinakamahirap na subject ngayong semester. Maliban sa subject na itinuturo niya na hindi naman namin gagamitin sa totoong buhay, nakakainis din ang kachupoy niyang hairstyle.
I heard whispers of frustrations mula sa mga classmate kong nakaupo sa harapan. Lagi akong nakapuwesto sa pinakadulong row ng aming classroom. Ang maganda rito, mas nao-observe ko ang mga ginawa ng halos lahat ng nasa line of sight ko.
Everyone in the class hated this subject, except for the geniuses who were vying for rankings. Sila lang naman ang nag-e-enjoy tuwing may discussion kami sa Trigo.
Habang busy ang mga classmate ko sa pagpapasa ng mga test paper, palihim kong inilabas ang aking phone at nag-text sa ilang phone number. Nang mai-press ko na ang "send," hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking labi. Kinailangan ko pang yumuko para maitago 'yon dahil nagmukha akong nababaliw.
"I will give you thirty minutes to solve the problems. Remember that you—"
Biglang natigil si Sir Lising nang tila may maramdaman siya sa kanyang bulsa. He took out his phone and read whatever's on its screen. Nabalot ng pangamba ang mukha niya na unti-unting iniangat sa amin.
"Class, we have to postpone the quiz today. Kailangan nating bumaba ng school building at pumunta sa open area," sabi niya.
Napa-"yes" ang ilan sa mga katabi ko dahil mapo-postpone ang aming long quiz. We were asked to bring our bags and fall in line as we calmly exited the classroom.
Hindi lang pala kami ang pinapababa. Pati ang mga taga-kabilang classroom, nakalinya na rin sa hallway at pababa na ng hagdanan. Wala namang naka-assign na earthquake o fire drill ngayong araw kaya labis ang pagtataka ng mga classmate ko kung bakit kinailangan kaming pababain.
Dahil nasa dulo naman ako ng linya, pasimple akong lumayo sa kanila at naglakad patungo sa restroom ng mga lalaki. Inilabas ko ang aking phone, binuksan ang case, tinanggal ang SIM card at inihulog sa toilet bowl. When I pressed the flush button, my crime was complete.
Naliwanagan ang lahat tungkol sa nangyayari nang dumating ang bomb disposal unit. Meron daw nagsabi sa mga professor na may iniwang bomba na nakatakdang sumabog ng alas-diyes.
BINABASA MO ANG
The Enigma of Erald
Mystery / ThrillerMeet Erald Castell, an aspiring evil mastermind who ironically joins the legendary QED Club. Cover art by IAMCHIIRE