ERALD
LET THE game begin.
Pasimple akong bumalik sa Batyawan Hall na parang wala kaming ginawang krimen. Ganito pala ang feeling kapag may ginawa kang kalokohan. Parehong nakaka-excite at nakakakaba.
Nakahanda na ang mga pabilog na mesa na may mga nakahaing pagkain. Kaso hindi pa rin nag-uumpisa ang dinner. They couldn't start without the president.
"Nag-reply na ba siya sa inyo?" Narinig kong tanong ng vice president sa mga kasama niya sa student council. Maging si Maddie na kinuntsaba ko, umarte na parang walang alam. Why wasn't I surprised? She was so good at acting anyway. "Kanina pa dapat siya nandito, ah. Saan ba nagpunta ang babaeng 'yon?"
"Did you try calling her?"
"Oo, pero hindi siya sumasagot. Baka naiwan niya ang phone niya kung saan." Unti-unting pumipinta ang pagkabahala sa mukha ng lalaki. Sige, mag-alala ka pa para lalong magkaroon ng impact ang balitang ihahatid sa inyo ng kasama ko. This was going exactly as I had predicted.
Tahimik akong umiinom ng tubig sa isang sulok habang hinihintay ang first act ng play na ako mismo ang nag-direct. I wasn't only the director. I was also the scriptwriter. Everyone in this hall was my audience, except the actors that I had asked to play their part.
Makalipas ang ilang segundo, pumasok sa hall si Charlotte na tila nakakita ng multo sa daan patungo rito. Here comes my actress. Hinabol niya muna ang kanyang hininga bago niya nilapitan ang mga student council officer na nasa harapan. Lights, camera, drama!
"E-Excuse me. Ma-May da-dapat kayong malaman," nauutal na sabi niya. Lumapit sa kanya ang mga nakiusyong officer. "Na-Nakita ko si Agnes sa labas kani-kanina, biglang may dumukot na lalaki sa kanya! Sinubukan ko siyang habulin pero mabilis ang takbo niya."
"A-Ano?!" Nanlaki ang mga mata ng vice president at halos malaglag ang panga sa pagkagulat. "Si-Sigurado ka ba riyan sa sinasabi mo?"
Iniabot ni Charlotte ang puting phone na kinuha namin kanina sa bulsa ng president. "Nahulog niya ito kanina. I wasn't sure at first, but when I saw the phone wallpaper, alam kong kay Agnes 'yan."
Naging mabibilis ang mga daliri ng vice president sa pagpindot sa screen ng phone, halatang natataranta na. "E-Eto nga ang phone ni Agnes. Sh*t! Sinong makakagawa nito? Nakita mo ba ang itsura ng taong dumukot sa kanya?"
Umiling si Charlotte. "May suot na ski mask 'yong lalaki kaya hindi ko nakita ang itsura niya pero may katangkaran siya - nasa five feet and six inches siguro - at malaki ang katawan."
Hindi ko in-expect na ganito pala kagaling umarte ang club president namin. Wala kasi 'yon sa script na ibinigay ko. Kumbaga sa isang kanta, magaling siyang mag-ad lib. Nagbigay pa siya ng fake description para linlangin ang sinumang susubok na hanapin ang lalaking tumangay sa walang malay na biktima.
"Reign!" tawag ng vice president sa lalaking abala sa pag-aayos ng gamit sa kabilang mesa. Nagmadali itong lumapit sa kanya at nagpukol ng nagtatakang tingin. "Tawagin mo ang lahat ng execom members na nandito at halughugin n'yo ang buong ecopark!"
"Halughugin? Bakit? May nangyari ba?" Reign looked at the concerned faces of his other colleagues.
"Nawawala ang president natin!" sagot ni Bruce. "May dumukot daw sa kanya."
Dahil malakas ang boses niya, narinig ng lahat ng nasa hall ang masamang balita. May halong pag-aalala at pagkaalarma ang mga itsura nila. Naisipan ko ngang kunan ng picture, kaso baka mahalatang ako lang ang nag-e-enjoy sa nangyari. Ang ilan pa nga sa tabi ko'y nagbulungan pa na parang mga bubuyog.
BINABASA MO ANG
The Enigma of Erald
Mystery / ThrillerMeet Erald Castell, an aspiring evil mastermind who ironically joins the legendary QED Club. Cover art by IAMCHIIRE
