CHAPTER NINE: Smoke 'Em Out!

96.7K 2.9K 2.1K
                                    


ERALD

PARA MAS maipaliwanag sa amin ang problema, Jessica invited us to visit their editorial office. Dahil wala ako sa mood na maglakad-lakad, lalo na't natalo ako ni Clyde sa deduction showdown, I made an excuse so I wouldn't be joining them. However, the persistent Charlotte dragge me from my seat.

I could have pushed her away, but that would be unbecoming on my part. Kahit na kontrabida ang pag-iisip ko, ayaw kong basta-basta manakit ng kung sino, maliban na lang kung si Clyde.

"Alam n'yo naman sigurong kapag may balita o tsismis sa school, kami kaagad ang unang nakakasagap, 'di ba?" tanong ni Jessica habang naglalakad kaming apat sa hallway. "Bago namin i-publish sa aming social media accounts o ilagay sa next issue, bine-verify muna namin ang detalye."

Clyde and I were walking on the same pace so I maintained a distance between us. Baka kasi isipin ng mga estudyanteng nakakasalubong namin - or worse, mga classmate namin - na best buddies na kami. The thought made me shiver. Sina Charlotte at Jessica naman, naglalakad sa unahan namin.

"Mahigpit kami pagdating sa confidentiality ng mga information na nakakalap namin, lalo na kung kahina-hinala at magdudulot ng scandal," paliwanag ni Jessica. "Kaya lagi naming paalala sa mga involved na writer na huwag magle-leak ng info sa mga kakilala nila o kahit kanino."

"Kaso merong isa sa inyo na sumuway sa protocol, tama?" Sumingit na ako sa nakakabagot na pagkukuwento niya. Nagpapaligoy-ligoy pa kasi siya imbes na maging direct to the point. She could have stated the real problem earlier and we could have given her an advice.

Jessica nodded, turning her head to me. "Tama. Tatlong beses nang nangyari na may na-leak na info. Familiar ba kayo sa The CHS Files Facebook page kung saan pwede kang anonymously na mag-confess ng kahit ano?"

Hindi ako social media savvy kaya hindi pamilyar sa akin ang pangalan ng page. Ginagamit ko lang na pang-stalk ang account ko at hindi ko na tinangkang mag-explore doon. Pero mukhang sina Charlotte at Clyde, aware sa existence nito. Ganyan ang nagagawa kapag masyadong marami ang time.

"Doon na-leak ang tatlong unverified info namin," she sighed. "At nagmula raw 'yon sa isang mapagkakatiwalaang source sa mismong Clarion. Dahil doon, nagreklamo sa amin ang mga nadawit na pangalan at tinanong kami kung bakit nagpapakalat kami ng tsismis kahit hindi totoo."

Inayos ni Clyde ang pagkakalagay ng kanyang salamin. "Nights ago, I read something about a senior high student who got pregnant and a teacher secretly dating his student. 'Yon ba ang tinutukoy mo?"

Aba. Pati pala mga cheap na tsismis, sine-save ng mokong na 'to sa kanyang memory palace. Kung sigurong makakapasok ako roon, puro basura ang laman. If I were him, I would only save relevant and useful pieces of information. Such a waste of ability.

"So ang request mo sa amin ay..." Napahawak si Charlotte sa camera na nakasabit sa kanyang leeg. Mapagkakamalan mong isa siya sa mga photographer ng Clarion dahil sa dala-dala niyang gadget. Come to think of it, I could convince her to resign as president and apply in the publication.

"Hanapin ang espiya sa aming publication at siguruhing hindi na magkakaroon ng leak."

Hindi namin namalayang nakatayo na kami sa tapat ng editorial office ng Clark Clarion. Nasa left wing ito ng first floor ng high school building, katabi ng office ng High School Supreme Student Council.

Binuksan ni Jessica ang pinto at pinatuloy kami sa loob. Pagpasok, sumalubong sa mga mata namin ang isang mahabang mesa. Nakapatong dito ang ilang piraso ng papel na may mga pulang marka. Judging by how "bloody" the papers were, those must be the articles corrected by the editors. The agenda of our school paper was written on the white board and some clips were pinned on the cork board. Sa isang sulok, nakaimbak ang ilang bundle ng latest issue ng Clarion.

The Enigma of EraldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon