ERALD
KUNG NAKAMAMATAY ang pagkabagot, malamang ay sumakabilang-buhay na ako.
Pakiramdam ko, isa akong halaman na naghihintay masikatan ng araw sa gitna ng tag-ulan. Ngunit kahit gaano katagal ako maghintay, hindi dumarating ang liwanag na magbibigay-buhay sa 'kin.
This was the situation in the QED Club. Days have passed since the club fair, but not a single student went to our clubroom for consultation. How could we be the problem-solvers if there were no problems to solve? Sino nga ba naman kami para pagsumbungan ng mga problema nila?
Bukas pa rin ang club para sa mga estudyanteng interesadong magpa-member. Pero hanggang ngayon, walang naglalakas-loob na mag-apply. Mas pipiliin siguro nilang sumali sa boring na Modern Literature Club o maki-join sa fanatics ng Cosplay Community kaysa sa amin.
Hindi ko rin sila masisisi. Who would want to join a detective group anyway? Kung iisipin, iilan lang talaga ang may utak sa school na 'to. Detective work requires critical thinking, and sadly, most students here lack that requirement.
Kasabay kong pumasok sa clubroom si Clyde. Unlike our first walking together scene, hindi na niya ako tinangkang kausapin pa. He got the message apparently. Obvious naman siguro na ayaw ko siyang nakakasabay na pumunta rito. Baka isipan ng mga classmate namin na instant mag-bestfriend na kami.
Did he look at himself on the mirror before leaving his house? Para kasing dinaanan ng bagyo ang buhok niya sa sobrang gulo nito. Kung magkaka-Christmas party kami sa club, reregaluhan ko siya ng hand mirror at suklay.
As usual, binati kami ni Charlotte sa kanyang abot-tengang ngiti at masigla pero minsa'y nakakairitang boses. I would still prefer calling her "Madam President," but she requested to change how I addressed her. Nakapuwesto ang upuan niya sa gitna ng mahabang mesa. Hindi na rin bago sa paningin kong makita siyang nagsusulat sa notebook pati ang camera na nakapatong katabi nito.
Pagkaupo namin ni Clyde sa magkabilang dulo ng mesa, iniabot sa 'kin ni Charlotte ang kulay pulang Moleskin notebook at sinabing, "While I was away earlier, someone entered our clubroom and left that on the table. There's also a note saying that he will return later. Mukhang may client na tayo!"
Client? Sa wakas, matapos ang ilang araw ng tagtuyot, may naligaw na sa balwarte namin. Pero bakit niya ibinibigay sa 'kin 'to?
"In the meantime, can you deduce the identity of the owner based on the contents of that notebook? Subukan mo rin, Clyde."
Bago ko buksan, napangiti ako't napasulyap sa lalaking abalang-abala sa pagbabasa. May naisip akong ideya. "Tama, bakit hindi tayo magkaroon ng deduction showdown, Clyde? Imbes na kung ano-ano 'yang ginagawa mo na hindi related sa club natin."
It wasn't that difficult to get his attention. Ibinaba niya ang hawak na libro at iniangat ang tingin sa akin. Nagliwanag ang lente ng kanyang salamin. "Parang patalim ang mga utak natin na kailangang hasain sa pamamagitan ng pagbabasa. I have to stock my memory palace with valuable knowledge."
"Isa bang palusot 'yan para hindi mo tanggapin ang hamon ko?" pabalang kong tanong. Kung ano-ano pa ang sinabi ng lalaking 'to. "Natatakot ka ba na baka matalo kita?"
He shook his head slowly. "On the contrary, gusto kong malaman kung gaano ka kagaling sa deductions. I have known you for employing dirty tactics."
"Gusto ko ring makita kung uubra 'yang memory palace mo laban sa 'kin."
"You might regret the day you underestimated me," he smiled.
BINABASA MO ANG
The Enigma of Erald
Mystery / ThrillerMeet Erald Castell, an aspiring evil mastermind who ironically joins the legendary QED Club. Cover art by IAMCHIIRE