CHAPTER FOURTEEN: Eraldian Stratagem

71.9K 2.4K 843
                                    


ERALD

"KIDNAPIN?! ARE you out of your mind?" pagulat na tanong ni Charlotte. I shushed her because the other students passing by started looking at us. Could she lower her voice? Ito ang dahilan kaya hindi ko kaagad sinabi sa kanila ang plano, eh.

"As expected from you, Erald!" Clyde clapped slowly. "You never fail to disappoint me with your schemes."

'Yon na siguro ang pinakamainam na paraan upang maisagawa ang request ni Maddie. Natural sa mga tao na hanapin ang mga bagay na nawawala. Maiwan nga lang ang phone nila sa isang lugar, kinakabahan na sila. Paano pa kaya kung ang taong malapit sa kanila ang biglang mawala nang parang bula?

"Kapag lumubog na ang araw, doon natin isasagawa ang plano." Hininaan ko ang aking boses nang makarating kami sa tapat ng isang puting gusali kung saan nakalupong ang iba naming kasama. "I thought of giving them a code to solve. Ang kailangan nating asikasuhin ay ang lugar kung saan natin itatago ang student council president."

Iginala ni Clyde ang kanyang tingin sa paligid, tinatanaw ang iba pang building sa ecopark na natatakpan ng malalaking puno. "Kailangang maglibot mamaya para maghanap ng lugar na pagtataguan sa target natin."

"Te-Teka, Clyde! Don't tell me na payag ka sa plano ni Erald?" protesta ni Charlotte. "Shouldn't you be the first one to condemn his scheme? He is proposing that we commit a crime punishable by law!"

"I understand your point," patango-tangong tugon ni apat na mata. Maging ako'y nasorpresa na hindi siya nagreklamo at tumutol sa brilliant plan ko. Ano bang nakain niya? "Basta walang masasaktan sa binabalak ni Erald, wala akong nakikita na seryosong problema. At saka hindi ba mabuti na paminsan-minsan, nagagawa nating mag-isip tulad niya? Let us consider this kidnapping mission as an exercise for our minds."

"Hmm..." Yumuko si Charlotte, napahawak sa kanyang baba. Mukhang hindi pa siya one-hundred percent na payag sa plano. "It's two against one so majority wins. Basta dapat walang mapapahamak, ah? At dapat malinis ang gagawin nating... krimen."

One end of my lips curved. Ngayo'y wala nang hadlang para sa abduction plan namin. "Huwag kayong mag-alala. Hindi hahantong sa delikadong sitwasyon ang gagawin natin. Bawat isa sa atin, may malaking papel na gagampanan mamaya kaya inaasahan kong makikipag-cooperate kayo sa akin."

Pinapasok kami ng mga organizer sa puting building na tinatawag na "Batyawan Hall." Sa loob, naka-set-up na ang ilang rows ng monobloc chairs at isang mahabang mesa sa harapan kung nakalagay ang isang projector. Malawak ang buong hall kaya kasya ang nasa limampung estudyanteng um-attend sa training na 'to. Uupo sana ako sa pinakadulong row pero bigla akong hinila ni Charlotte at pinaupo sa bandang unahan.

When the clock struck thirty minutes past seven in the morning, the hall was already jam-packed. Pumasok na ang limang makapangyarihang estudyante ng Clark High, kasama ang execom sa pangunguna ni Reign.

"Good morning, everyone!" masiglang bati ng babaeng nakasalamin na tumayo sa aming harapan. Her ebony hair had pigtail braids that fell below the shoulders. Her innocent face was obviously familiar because she ran for the student council elections last year. Ngunit dahil wala silang kalaban noon, nanalo sila by default basta makakuha sila ng fifty percent plus one na number of votes.

"First of all, thank you sa mga um-attend sa ating annual leadership training seminar! I know dapat nagpapahinga kayo ngayon sa mga bahay o dorm n'yo pero you decided to spend your time in this worthwhile event."

Dapat talagang magpasalamat kayo lalo na sa akin dahil usually sa mga oras na 'to, mahimbing pa ang tulog ko. At kung sanang walang request si Maddie, hindi naman talaga ako pupunta rito. Why would I waste my precious time in this, excuse me, worthless event? Hindi kasi nadadaan sa mga ganitong seminar ang pagho-hone sa mga student leader. Kadalasan, innate sa kanila ang quality ng leadership.

The Enigma of EraldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon