ERALD
NAGING TOPIC sa buong campus ang latest post ng The CHS Files. Students whispered to each other as they walked across the hallways, with phones in their hands, and browsed the trending Facebook page.
The main course for today's gossip was the club in question. May kalaswaan daw na ginagawa ang dalawang member nito. The only clue that they had was the phrase "end of proof." If I wasn't the one who started that rumor, hindi ko alam kung anong grupo ang tinutukoy nila. But certainly they were referring to the QED Club.
Apparently, the acronym "Q.E.D." stands for quod erat demonstrandum. Those three letters were usually written at the end of an argument. In a less direct translation, it means "thus it has been demonstrated." Napilitan tuloy akong mag-research tungkol doon para ma-confirm kung tama ang hinala ko sa latest confession.
But my concern wasn't about our club. I set up a trap yesterday. Today, my target fell to it. Oras na para magkaharap kaming dalawa.
By nine o'clock in the morning, saktong pag-ring ng school bell, dumiretso ako sa rooftop. Itinext ko kasi si Harold — ang espiya sa Clarion — at nakipag-arrange ng meeting doon para opisyal nang isara ang kasong ito. I remembered my encounter with the K-OS Club supreme leader at this same spot.
Pag-akyat ko roon, nakita ko siyang naghihintay habang nakatanaw sa malawak naming campus. The only way I could save him from shame was to push him over the edge. But even if that was an option, I wouldn't do it.
"Sorry kung pinaghintay kita," pambungad ko. Kaagad siyang napaharap sa akin, walang kaide-ideya na rito na magtatapos ang pang-e-espiya niya. Biglang umangat ang kanyang magkabilang-balikat na parang nagulat.
"Akala ko kung sino na!" Napahawak siya sa kanyang dibdib. "Nakita mo na ba ang bagong post ng The CHS Files?"
Dahan-dahang akong lumapit sa kanya habang nakapamulsa ang mga kamay ko. "Oo, at mukhang QED Club ang tinutukoy nila, base sa iniwang clue ng admin."
"Wala akong pinagsabihan na kahit sino tungkol doon sa ibinigay mong tip sa akin kaya paano nangyari 'yon? Posible kaya na ang friend mong member din ng club ang nag-leak no'n sa The CHS Files?"
Pinanood ko lang ang nababahala niyang pagkilos at hinayaan siyang magsalita nang magsalita. Nakakaaliw pagmasdan ang pagpapanggap niyang wala siyang kinalaman sa nangyari. Mga tao nga naman.
"Natanong mo na ba ang friend mo kung siya nga ang nag-confess sa page?"
"Hindi," umiling ako.
"Ba-Bakit?"
"Dahil..." Huminto ako sa tapat niya at nagbato ng isang nakakaasar na ngiti. Time to reveal my trick! "...walang katotohanan ang mga sinabi ko sa 'yo kahapon."
Nanlaki ang mga mata niya at napahakbang paurong. That was exactly the same reaction I imagined for him to show. Pwede nang pasukan ng mga langaw ang nakabukas niyang bibig. "A-Anong ibig mong sabihin? Sabi mo, nakita ng kaibigan mong taga-QED ang kalaswaang ginagawa ng mga member doon?!"
"Didn't you hear me the first time? That's an obvious lie!" And he was a fool to fall for it. "Sinabi ko 'yon sa 'yo para malaman kung ikaw ang nagli-leak ng info mula sa Clarion. Nobody else in this school knows that there are alleged lewd happenings in the QED Club. Kaya kung may magkakalat man ng tsismis na 'yon, walang ibang dapat paghinalaan kundi ikaw."
"Si-Sinasabi mo bang isa 'yong patibong?" Namuo ang pawis sa kanyang noo.
Tumango ako. Hindi pa ba obvious? Naku naman. "Oo, at madali ka namang nahulog. Kung ako sa 'yo, ititigil ko na ang pagmamaang-maangan dahil bistado na kita. Checkmate! Game over! Confess now that you are the mole in the Clarion."
BINABASA MO ANG
The Enigma of Erald
Mystery / ThrillerMeet Erald Castell, an aspiring evil mastermind who ironically joins the legendary QED Club. Cover art by IAMCHIIRE