𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑶𝒏𝒆

309 7 3
                                    


Xyrille's Pov

Love.

1 word, 4 letters. Ito ang nadarama ng mga magkasintahan para sa isa't-isa. Pero para sa akin, this was my downfall.

Simula noong araw na 'yon, parang ayoko ng ma-inlove ulit. Ayoko ng masaktan ulit.

Kung dati masiyahin ako, ngayon I became cold.

They hurt me.

I can't believe they did this to me...

Sa tingin ko, ang nakakapagpalabas lang ng cheerful side ko is si mom and Jb. Si dad naman, lagi na kasi siyang busy sa work, wala na siyang time samin ni mom. Hindi na din siya madalas umuwi dito, lagi siyang overtime. Mukhang mas mahal niya pa yung work niya kesa sa amin. Kaya pag iba na yung kaharap ko, including my DAD, I always put my mask on, and that's my cold side.

Flashback...

"Nathan?" sabi ko, at nagsimula ng tumulo yung mga luha ko. Napatigil naman silang pareho sa ginagawa nila, at hinarap nila ako.

Mas lalo akong naiyak, ng malaman kong si Misty pala ang babaeng kahalikan niya.

Ang 'so-called' bestfriend ko.

"B-babe?" gulat na sabi ni Nathan, at dahan-dahang lumalapit sa akin.

"Don't you dare come near me! And from now on, stop calling me Babe! " sigaw na sabi ko, at humagulgol ng iyak.

Tumigil naman agad siya sa paglapit sa akin, at tumulo yung mga luha niya.

"Xy,please let me explain." sabi niya habang naguunahang tumulo yung mga luha niya.

" Explain? Nathan, I don't need your explanations. Na-explain na lahat ng mga mata ko!" dugtong ko pa.

"Please Xyrille, just let me---" hindi na natuloy yung sasabihin niya, ng bigla ko itong putulin.

"I said, I don't want to hear it! Kasi alam kong puro kasinungalingan lang ang lalabas sa bibig mo." mahinahon kong sabi, pero may namumuo paring galit.

"And you, Misty, paano mo sakin nagawa 'to? I trusted you, pero sa dinami dami ba naman ng lalaki, si Nathan pa!"

"Oh Xyrille my dear, it's not my fault na ako yung gusto ng boyfriend mo. And hindi ko rin naman kasalanan na mas pretty ako sayo."
mahinahong sabi niya, na may halong pang-aasar.

This bitch!

"Sige na, tuloy niyo na yang ginagawa niyo. Sorry kung nakaabala ako ha, mukhang nag eenjoy panaman kayo." sabi ko, at tinalikuran sila.

Naglakad ako papalayo, habang nakayukom yung mga kamao ko.

"Xyrille!" rinig kong tawag sakin ni Nathan.

"Don't mind her babe. She's right. Tuloy na lang natin yung ginagawa natin."  kumulo naman yung dugo ko nung narinig ko 'yon
pero di ko na sila liningon, at nagpatuloy lang sa paglalakad ko, habang tumutulo yung mga luha sa pisngi ko.

End of Flashback...

Naramdaman ko namang may mainit na likido na tumutulo sa mga pisngi ko.

"Sh*t." mahinang sabi ko, at agad ko itong pinahiran.

Past is past Xyrille, stop crying!

"Xyrille, sweetie?" rinig kong tawag sakin ni mom, mula sa labas ng kwarto ko.

"Yes?" sabi ko, habang patuloy parin sa pagpahid ng luha ko.

"Jb's here." sabi ni mom, at biglang bumukas yung pinto.

I'm With This Bad BoyWhere stories live. Discover now