31

378 7 0
                                    

4 months later...

Heaven's POV

Ito na, ito na ang pinaka-hihintay ko. Ang pinakamagandang mangyayari sa buhay ko, na maikasal sa taong mahal ko.

Nandito ako ngayon sa hotel dahil dito ako inaayusan ng magme-make-up sa akin.

Bago tong kasal na to marami kaming pinag-usapan ni Zach tulad ng pagtigil ko sa trabaho ko para maalagaan ko ang mga anak namin.

Payag naman ako sa gusto nya dahil gusto ko rin namang masubaybayan ang paglaki ng mga anak namin.

"Ma'am nandyan na po yung sasakyan..." sabi nung babaeng nag-aasikaso sa akin.

Tinanguan ko lang sya bago ako tumayo sa upuan ko.

Inalalayan ako ni Danica sa paglakad dahil napaka-haba ng gown ko.

Nang makasakay na kami ni Danica sa sasakyan ay bigla akong nakaramdam ng kaba at saya sa buong pagkatao ko.

"Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Danica, siguro napansin nyang kinakabahan ako.

"Oo...." pagsisinungaling ko.

"Relax ka lang!" Sabi nya at nginitian ako.

Ito na nga talaga! Sa dami ng problemang hinarap namin ay dito parin ang bagsak namin. Yung mga sinabi ko noong hindi na ako babalik pang mulu sa poder nya at yung sinabi kong hindi ko na sya mahal ay lahat ng yun ay parang naging bula nalang na biglang naglaho nung nakita ko sya.

Nagulat ako nung biglang tumigil yung sasakyan at bumaba ang driver nito.

"Kuya, anong nangyari?" Tanong ni Danica sa driver.

"Ma'am tumirik po yung makina" sabi nung driver.

"Ano!? Eh male-late na si Heaven nyan!" Gulat na tanong ni Danica at napasapo pa sya sa noo nya.

"Sorry po ma'am." Pagpapaumanhin nung driver sa amin.

"Anong gagawin natin nyan?" Tanong sa akin ni Danica pero hindi ako kumibo.

Pilit kong pinakalma yung sarili ko kasi kinakabahan talaga ako kung ano mang mangyari!!

30 minutes na kami nandito sa loob ng sasakyan pero wala paring nangyayari! Hindi pa naaayos yung sasakyan kaya dali-dali akong lunabas sa pinto.

"Oh!? San ka pupunta!?" Habol na tanong sa akin ni Danica.

"Tatakbuhin ko na! Late na late na ako baka nag-aalboroto na din si Zach!" Sabi ko at tinanggal yung sapatos ko tsaka tumakbo.

"Go Heaven! Woooh!!" Rinig ko pag sigaw ni Danica.

Napatigil nalang ako ng hindi ko na alam kung saan ang daan papunta sa simbahan.

Shet! Ganun ba ako kamalas ngayon!?

"Miss! Saan po ba ang daan papunta sa San Sebastian Church?" Natatarantang tanong ko sa may babaeng estudyante.

"Diretsuhin mo yung daan na yan tapos lumiko ka sa may kaliwa makikita mo yung NTC, diretsuhin mo ulit yun dun mo na makikita yung simbahan." Sabi nya sa akin.

"Salamat po.." pagpapasalamat ko bago tumakbo ulit.

Ng makarating na ako ay sinalubong ako ng maga-assist sa akin dito.

Sinuot ko muna yung sapatok ko bago ko sya tuluyang harapin.

"Ma'am! Bakit po ba ang tagal nyo!? Si Sir nandun na po kanina pa hindi mapakali!" Tanong nya sakin.

Hot Night With My Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon