29

427 8 0
                                    

Heaven's POV

Medyo naalimpungatan yung pagkakatulog ko nung marinig kong may dalawang taong nag-uusap pero Hindi ko na kailangan tignan kong sino ang dalawang yun dahil kilalang-kilala ko na ang mga boses na yun.

"Ayos lang ba sya, pa?" Narinig kong sabi ni Zavien pero hindi parin ako dumidilat pinapakinggan ko lang yung paguusap nila.

"Yes, your mama is ok. She just need to get rest" sabi ni Zach

Ilang mga sandali ay tumahimik sila pero nagsalita ulit ai Zav

"Papa?" Tawag nya kay Zach

"Hmm?" Sagot ni Zach

"Can I see my siblings?" Tanong nya

"Yes, you can! Pero pagkagising pa ni mama mo. Pwede ba yun?" Tanong ni Zach

Dumilat na ako at umayos na pagkakahiga, nakita ko naman silang magkaharap na nakaupo sa upuan.

"Opo" sagot ni Zav

"Sig------- are you ok? May masakit ba sayo?" Napatingin sa akin si Zach at halata mong gulat na gulat ito dahil nakita nya akong gising na.

"Tubig gust-----" pinutol ko na yung sasabihin nya kasi nagiging O.A na sya.

"Ano ka ba! Tila naman akong may sakit sa ginagawa mo!" Pagrereklamo ko.

"Mama! Can I see my sister and brother now?" Tanong ni Zav nung lumapit sya sa akin.

"Hihintayin pa natin kung anong sasabihin ng doctor" sabi ko habang nakangiti.

"Sinabi mo na ba sa nurse kung ano ipapangalan sa kanila?" Tanong ko ulit kay Zach

"Syempre!" Masayang sambit nya

"Anong sinabi mong pangalan?" Tanong ko

"Yung pinag-usapan natin na pangalan" sabi nya.

Parang hindi maganda ang kutob ko ngayon kasi parang may ginawa o gagawin palang na kalokohan.

"Anong pangalan yun?" Tanong ko

"Pedro at Petra" sabi nya na ikinainit ng ulo ko.

"What!? Are you serious?" Galit na tanong ko sa kanya

"Yes?" Patanong tanong nya sa akin.

Gigil na gigil na ako sa kanya gusto ko na syang saktan pero nagpipigil lang ako kasi nandito si Zavien.

"Papaano kung pagtawanan sila dahil sa pangalan nila!? Ha? Hindi ka ba nagiisip!?" Tanong ko na nakakuyom ba ang kamay ko sa galit.

"Hahahaha!" Sanay na tawa nilang dalawa ni Zav kaya nagtaka ako.

"Anong nakakatawa!?" Sigaw ko

"Yung mukha mo kasi eh namumula na sa galit! Hahaha!" Sabi ni Zach

"Sa tingin mo hindi ako magagalit sa ginawa mo?" Tanong ko

"Binibiro ka lang naman namin....." sabi nya ng nagpipigil ng tawa.

"So hindi magandang biro yun!" Sigaw ko kaya naging seryoso ang mukha nya

"Ok, I'm sorry...." paghingi nya ng tawad sa akin.

"Dinadamay mo pa mga anak mo sa katarantaduhan mo!" Singhal ko.

"Niloloko ka lang naman namin kasi....." huminto sya sa pagsasalita at parang nagiisip ng pangdahilan nya

Hot Night With My Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon