27

446 9 2
                                    

Heaven's POV

Nagulat kami nung umuwi sila mommy galing U.S kasi gusto raw nilang icelebrate ang pagkakaroon nila ng kambal na apo.

Nandito kami sa high class restaurant na pagmamay-ari ng angkan namin.

"Rohan! Kamusta ang inaanak ko? Ang cute naman!!" Sabi ko nung nakita ko si Cia na kalong ang bagong silang na anak nila nila Justine

"Pinanggigigilan mo nanaman ang anak ko" sabi nya kasi konti nalang makukurot ko na ang pisnge ng anak nya.

Hindi ko lang makurot kasi baka umiyak.

"Ang cute kasi nya. Hindi ko na talaga mahintay na ipanganak tong kambal ko" sambit ko

"Ilang months na ba iyan?" Sabi nya at hinawakan ng isang kamay nya ang tyan ko

"6 months na!!" Sabi bigla ni Zach kaya tinignan namin sya ng masama ni Cia

"Bakit nakikisabat ka?" Tanong ko sa kanya.

Ewan ko kung bakit ang sungit ko kay Zach pakiramdam ko lahat ng gawin nya nakakainis

"Yan kasi ako nga tahimik dito tapos ikaw makikisabat" panggagatong ni Justine

"Oh talaga? Inggit ka lang kasi kami magkakaroon na ng kambal! Ang hina mo kasi eh! Buti pa ako shooter" sabi ni Zach tapos nag-act pa na parang magsho-shoot ng bola.

"Nakatsam---" Hindi na natapos ni Justine ang sasabihin nya ng sumigaw si Cia

"Magsitigil nga kayo!" Sigaw nya

Natahimik naman silang dalawa at yumuko

"At ikaw anong shooter ka dyan? Talagang nasa lahi lang namin ang magkaroon ng kambal kaya wag kang feeling!" Sabi ko kay Zach at kinurot yung tagiliran nya kaya napahawak sya dun at hinimas para mawala ang sakit.

"Hahaha wala ka naman pala eh" tumatawang sabi ni Justine.

Minsan nakakainis din 'tong lalaking ito eh may pagkaisip-bata! Sana hindi magmana itong kambal sa ama nya.

"Fu---- aray naman, baby" magmumura sana si Zach ng tapikin ko yung bibig nya.

"May bata nga sabi eh baka marinig ka na nagmumura ka!" Suway ko

"Yan kasi gag--- a-hhh ar-arayy C-cia tama na...." piningot ni Cia si Justine pero bago nya pingutin si Justine binigay nya muna sa akin si Rohan.

"Kasasabi lang ni Heaven na wag magmura" sabi ni Cia at may pahabol pang paltok kay Justine.

"Hindi ko naman sinasadya" pangangatwiran ni Justine.

Magkapatid nga talaga sila ni Zach pareho sila magaling gumawa ng dahilan.

"Ahh ganon? Sorry hindi ko rin sinasadyang pingutin ka" sarkastikong sabi ni Cia

"Hindi sinasadya? Eh mas inikot mo pa nga yung tenga ko nung sinabi kong masakit" hirit ni Justine

"Hindi ko nga sabi sinasadya!" Tumaas na ang boses ni Cia kaya napagdesisyunan ko ng sawayin sila kasi pinagtitinginan na kami dito.

"Oh ano Cia? Kayong dalawa naman? Kanina si Zach at si Jus. tapos kayo naman ngayon?" Tanong ko.

"Eto kasi eh" sabi nya sabay dinuro-duro si Justine.

"Ako nanaman? Ikaw yung namingot dyan eh" bulyaw ni Justine. Tinaasan naman sya ng kilay ni Cia kaya napatikhim ito.

Si Zach naman nilalaro si Rohan habang buhat ko.

Hot Night With My Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon