Heaven's POV

Nagising akong wala si Zach dito sa kwarto kaya dali-dali akong pumunta sa banyo para magsipilyo at maghilamos bago sya hanapin.

Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko ang isang sa mga kasambahay namin.

"Manang nandyan pa po ba si Zach?" Tanong ko sa kasambahay namin

"Ah opo ma'am nandun po sa kusina nagluluto" sabi nya

"Ah ok po" sabi ko at umalis na sya. Ako namam nagmamadaling bumaba kasi gusto ko syang makita.

Napatigil ako ng nakita ko syang nagluluto suot nya yung kulay pink na apron ko with messy hair pa. Sheyt gwapo bes!

"You're drooling" nagulat ako nung bigla syang nagsalita.

Kinapa ko agad yung gilid ng kabi ko kung totoo ba yung sinabi nya pero hindi naman.

"Ha? Wala naman ah!" Sigaw ko

"Masyado ka kasing nag-eenjoy panoorin akong magluto. Ngayon ka lang yata nakakita ng gwapong nagluluto eh! Hahaha" pang-aasar nya

"Tss feeling masyado! Ingudngod ko mukha mo dyan sa kawali eh!" Sabi ko at umupo.

Pero may naguudyok sa akin na yakapin sya kaya tumayo ako at dahan-dahan syang niyakap mula sa likod na dahilan upang mapatigil sya sa pagluluto.

"May problema ba?" Tanong nya at ipinagpatuloy ang pagluluto

"Wala! Namiss lang kita...." malambing na sabi ko.

"Huh? Eh magkatabi lang tayo kagabi matulog diba?" Sabi nya at pinatay ang stove pagkatapos humarapan sa akin at niyakap ako.

"Eh basta pakiramdam ko miss na miss kita." Sabi ko at nilubog yung mukha ko sa dibdib nya

"Kasama ba 'yan sa pagbubuntis mo?" Tanong nya kaya tumingala ako para makita ko ang nakangiting nyang labi.

"Ewan ko...." sabi ko

"Kumain ka na muna at gigisingin ko lang si Zav." Sabi nya kumalas na sa yakap ko.

Inalalayan nya akong umupo sa upuan at pinaglagyan ako ng pagkain bago puntahan si Zavien sa kwarto nya.

Maya-maya lumabas na si Zach na kasama si Zavien na naka-pajama pa papunta sa direksyon ko.

"Good morning mama!" Masayang bati nya sa akin at niyakap ako.

"Good morning" tugon ko habang nakangiti

"Good morning din sa inyo babies!" Sabi nya at itinapat ang tenga sa bandang tyan ko kaya natawa naman ako.

"Hahaha excited ka masyadong lumabas mga kapatid mo ah!" Sabi ni Zach sa kanya kaya napatingin sa kanya si Zav.

"Syempre naman po." Sabi nya at umupo na rin

"Tutulungan mo kaming dalawa ng mama mong mag-alaga sa mga kapatid mo kapag lumabas na sila ah" sabi ni Zach kay Zav kaya  nanlaki ang mata nya

"Opo papa!" Masayang sabi nya hang tumatango.

"Oh sige kumain na kayo dahil papasok ka pa" sabi ni Zach at kinurot ng bahagya ang ilong ni Zav.

"Hahatid mo ako papa?" Tanong ni Zav

"Sige.....mamaya pa naman ang pasok ko eh" sabi ni Zach na kumakain na rin ngayon

"Yehey!!" Sabi nya at kumain na rin.

Tinignan ko ng masama si Zach kaya nangunot ang noo nya.

Hot Night With My Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon