17

505 11 1
                                    

Heaven's POV

We're here in airpot pupunta na kami nila Justine at Danica sa U.S nung una nga nagalit sila mom kay Zach nung nalaman nila pero sabi ko hayaan nalang alam kong para akong tanga syempre hayaan? Sino bang ina ang gugustuhing lumaki ang anak ng walang ama? Sila kuya Cloud at kuya Thunder ayun kahapon binugbog si Zach.....nagsisisi ako ng binigay ko sa kanya ang lahat feeling ko ang tanga-tanga ko.

"Ok ka lang?" Biglang sulpot na tanong ni Justine

Tumango naman ako bilang sagot

"Iwasan mo magpaka-stress makakasama kay baby yan" paalala nya sa akin

Naisip kong sa U.S nalang mag-aral habang pinapalaki ko si baby hindi naman siguro ako mahihirapan kasi nandyan naman si Justine at sila Mom.

"Kaye! Halika ka na! Bilis! Ang bagal mo naman" Tawag sa akin ni Danica

Eto talagang babaeng to akala mo yung tinatawag ay hindi buntis.

Inirapan ko lang sya at lalong binagalan ang paglalakad hahaha bahala sya dyan.

"Nahihirapan ka bang maglakad?" Tanong sa akin ni Danica

Pero may pagkainis sa tono ng pananalita nya

"Ah hindi, halika na" sabi ko at naglakad na

Nandito na kami sa loob ng eroplano at eto namang katabi ko todo asikaso naalala ko tuloy si Zach

Aish! Zach nanaman!!

"Matulog ka muna gigisingin nalang kita pagnandun na tayo" sabi ni Justine

"Ok" sabi ko at pinikit ang mata ko

               ♥-----------------------------♥

"Kaye gising na nandito na tayo" sabi nung lalaking tinatapik ng bahagya yung pisngi ko

"Hmm" ungol ko

"Gising na" sabi nya

Dumilat ako at nakita ko si Justine na nakatayo sa harap ko....tumayo ako agad at kinapa ang gilid ng bibig ko tinignan ko kung may panis na laway syempre nakakahiya eh

"Sorry" sambit ko at ngumiti

Kinuha ko ang maleta pero pinigilan nya ako

"Ako na magbubuhat nyan" sabi nya

"Thanks" sabi ko

Lumabas na ako at hinanap si Danica

"Danica! Nasaan na yung pinadalang driver ni mom?" Tanong ko nung makita ko si Danica

"Nandun na, susunod nalang sa atin si Justine" sabi nya at hinila ako papuntang sasakyan

"Good afternoon po ma'am" sabi nung matandang lalaki pagdating namin sa sasakyan

"Good afternoon din po manong" bati ko rin sa kanya at sumakay sa loob.

Maya-maya pa ay dumating na si Justine na dala ang 2 maleta.

Papunta na kami sa bahay na tutuluyan namin pero itong mga kasama ko may mga sariling mundo

Papaano ba naman si Danica nagiistalk sa account ni kuya Cloud sa fb at ito namang si Justine ewan ko ba kung natutulog to habang naka head phone.

"Nandito na po tayo ma'am, sir" sabi nung driver sabay huminto sa simpleng bahay pero malaki

Wow! Ang ganda!!!

Hot Night With My Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon