Uuwi na rin ako”
“Uuwi kana agad, dito ka muna magpapahinga na ako, papasok na tayo bukas”
“Edi magpahinga kana, basta uuwi ako”
“Hahanapin ka ni mama at papa kapag umuwi ka”
“Bakit naman?”
“Hindi kasi umuuwi yung mga girlfried ko na kilala nila”
“Ganon, edi mag papaalam na lang ako”
“Hay, bwiset hindi talaga ma pakiusapan”
Nag paalam muna ako sa parents nya
“Tito, Tita aalis na po ako”
“Mama at papa na lang din ang itawag mo saamin, tsaka bakit ka aalis?”
“Eh hindi naman po ako dito nakatira eh”
Nag katinginan silang dalawa tapos tingin kay James, nag kamot lang sya ng ulo.
“Ah sige iha mag-iingat ka ha, James ihatid mo si Katrina” utos ni “papa”
“Opo mag pahinga na po ulit kayo” sagot ni James
Pagsakay namin sa Kotse . . . . . . . .
“’Bat ayaw mo pang mag drive?”
“Wag kana lang kasing umuwi!” medyo pasigaw na sabi nya.
“”Saan ako matutulog?”
“Malamang sa bahay ko!”
“Ayoko!”
“Ang arte mo samantalang nakatulog naman na ako sa inyo!”
“Bahay ko naman yon!” katwiran ko
“Bahay ko naman ‘to!” katwiran din nya.
“Pakialam ko!” nagsisigawan pa rin kami, pero hindi naman masyadong malakas.
“Dun na lang ako sainyo matutulog!”
“Bakit ka sumisigaw?” tanong ko napasigaw din.
“Pa’no sumisigaw ka din!”
Hindi lang ako agad nakasagot.
“Basta, ayoko, bantayan mo na lang sina mama at papa dito” mahinhin lang yung pagkakasabi ko
“Tapos bigla nyang pinaandar ng mabilis yung sasakyan.
“Hoy, ano ba?” takot na sabi ko
Hindi sya sumasagot
“James!”
Preno . . . . . .
“Ano ba James, hindi ka lang napagbigyan ganyan kana!”
“S-sorry sige aayusin ko na”
Dahan dahan na lng yung pag da drive nya hanggang makauwi kami sa bahay ko
Pagbaba ko di ko sya pinansin, nagdire-diretso lang ako
“Katrina, sandali lang!” hinawakan nya yung braso ko.
“Sorry nabigla lang ako”
“Oo na” naglakad ako ulit
“Teka lang [hinawakan nya ako ulit] galit ka pa ba?
Umiling ako, ngumiti sya