chapter 20

54 1 0
                                    

Pinuntahan ko yung bar na yun asar na asar ako, pero syempre inayon ko yung

damit ko dun sa pinuntahan ko yung pang bar din pero hindi naman malaswa

tama lang.

Pag punta ko dun nakita ko agad si James tsaka yung tatlo, may mga babaeng

nakapaligid sa kanila, tapos si James nakaakbay pa dun sa isa tapos pabulong

bulong pa.

KAINIS!!!!!!

Tinawagan ko sya . . .  .

“Boss?”

“Master, bakit?”

“Nasaan ka?”

“Nandito sa bahay nagpapahinga”

“Ah ganon, ok”

“Eh ikaw nasaan ka?”

“nandito sa bar pinagmamasdan ka”

Nakita kong nagulat sya hinanap nya ako agad. Pero nagtago ako dun sa mga

lalaki , hehe nakikipag bonding ako dun, hindi naman  nila ako tinanggihan

tuwang tuwa pa nga sila habang nakikipaglandian sakin eh

Kahit naman hindi pa kami ni James marami na akong manliligaw wala nga lang

akong sinisagot yung iba naman kinakaawaan ko na lang kaya pingbibigyan ko,

pero naging sweet naman ako sa kanila kahit wala akong nararamdaman para sa

kanila, kay James lang naman ako nagkaganito eh!

“Master nasaan kana?” tinanggal nya yung pag kakaakbay nya dun sa babae

“Nandito sa likod mo” lumingon sya wala ako dun,JOKE lang!!!!!

“Master ayusin mo nga yang sagot mo”

“Edi dapat inayos mo rin yang sagot mo”

Binitawan nya na yung c.p. nya alam nya kasing hindi kami makakapagusap ng

maayos pag ganon ang ginawa namin. Hinanap nya ako, nakatingin lang ako sa

kanya hanggang Makita na nya ako.

“Anong ginagawa mo dito?”

“Wala sinisilip kabaka kasi may babaeng nang haharas sayo dya, eh ikaw anong gingawa mo dito?”

Hindi sya sumagot agad

“Tara na” nhinila nya yung braso ko

“Ano ba, ayoko!” pigil ko

“Umuwi na tayo!” medyo galit na sya

“Ayoko nga eh nasasaktan na ako”

My playBOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon