After 10 mins.
Dumating na sya hinihintay ko lang sya dun sa labas nung kotse nakasandal lang ako dun sa gilid.
Tumatakbo syang papunta saakin.
“Ano ba kasing ginawa mo don?”
“Wala nag CR lang”
“Eh bakit hindi pa kanina?”
“Basta sumakay kana”
Binuksan nya yung pintuan nung kotse, pinasakay ako tapos sumakay na rin sya.
“Master”
“Oh?”
“Dun ako matutulog sa inyo”
“Ayoko nga!”
“Sige na, ngayon lang naman eh”
“Ayoko”
“Hindi kita sasamahan d2 ulit sa sabado”
“Edi wag, ako na lang mag isa”
Hindi sya sumagot . . . . . . . . . . . bigla akong napaisip . . . hindi ko nga pala alam ang papunta d2 ndi ko kasi tinandaan eh.
“Boss samahan mo na ako ulit sa sabado d2”
“Sige” sagot nya
“talaga?, thanks!”
“Basta alam mo yung kondisyon ko”
Nanlumo tuloy ako
“Bakit ba kasi hindi ka na lang doon sa inyo matulog?”
“Ako lang kasi mag isa dun nakakalungkot”
“Bakit nung hindi mo pa ako kilala, siguro naman nakakatulog kang mag isa”
“Hindi ah, lagi akong may inuuwing babae sa bahay”
“Ha? Payag ang parents mo ng ganun?”
“OO, tsaka di ko naman sila kasama dyan, ako nga lang mag isa diba”
“nasaan sila?”
“Ang dami mong tanong, basta pumayag ka na lang kasi”
“Sige na ngayon lang naman eh”
yung reaksyon nya nakakaawa, talagang nangungunsensya.
“Oo na” mahinhin lang yung pagkakasabi ko.
“hehe, papayag karin pala eh”
“Nang aasar ka ba?”
“Bakit, effective ba?”
“Ayoko na nag bago na isip ko”
“Hindi ka pwedeng tumanggi, sinabi mo na, wala ka ng magagawa, ako na ang masusunod”
“Hala, sige bahay mo na yon”
nag smile lang sya.
Inirapan ko siya pero nakangiti pa rin siya.
After 10 mins. Nakauwi na kami syempre dun sa bahay ko…. Bumaba siya agad tapos binuksan yung pinto sa side ko, nakangiti parin siya.
“ Ang saya-saya mo talaga no.”
medyo inis na sabi ko.
Kinuha niya na yung mga binili naming dun sa likod ng kotse niya.
“Tara na sa loob.”
Bitbit niya yung nga bili niya tapos yung malaking Teddy bear sakin.
“Hala, excited ka pang pumasok sakin eh no.”