Sa gitna ng bawat hiyawan,
Sa gitna ng bawat sayang nakikita sa taong naghihiyawan,
Sa gitna ng masayang kapaligiran..Ang puso ko ay tuluyang nadudurog at luhaan.
Luha sa mga mata ko'y patuloy na nagsisi-dagsaan na tila ba gusto nilang kumalawa sa isang kadiliman..Sa isang kadiliman na pilit akong sinasaktan.
Sa gitna ng saya,
Puso ko'y nagdurusa.
Sa gitna ng mga ngiti nila..
Pilit kong hinahabol ang aking hininga.Ang sakit sakit na
Sobra..
Ang makitang katabi mo siya at mga ngiti mong umaabot sa iyong mata.Lumingon ako ng hindi mo napapansin
Dahil sa kaniya ka lamang nakatingin
Habang ako, pilit na nagpapapansin
Pero mga mata mo'y sa kaniya lang ang paninginAyoko nang lumingon pa mahal ko
Ayoko ng makita mo ang bawat luhang pumapatak sa mga mata ko
Ayokong malaman mong nasasaktan akoNasasaktan ako na siya ang katabi mo at hindi ako
Sa gitna ng sigawan, sa gitna ng tugtugan at kantahan
Mata ko'y puno ng sakit at luhaan
Pilit kong pinipigilan ang aking nararamdaman
Pilit kong pinipigilan ang pagdausdos ng mga luhang nagbabagsakanMahal ko
Ang sakit sakit makita ang mga saya sa mata mo
Mahal mo ba'y di na ako?Sa gitna ng saya, tugtugan at kantahan
Nakatingala ako't ayaw lumingon sa likuran
Nakatingala ako at hinayaang luha ay patuloy na magbagsakan
Walang nakakahalata
Walang nakakakita
Lahat masaya
Lahat nakatutok sa masayang eksena
Pero ang puso ko?Ang puso ko ay unti-unti nang namamatay sa hapdi at sakit na nadarama
At sa gitna nang saya, tugtugan, at kantahan
Hindi mo alam ang sakit na aking nararamdaman habang ika'y masaya siyang pinagmamasdan
BINABASA MO ANG
Poems of A Thousand Words
PoetryPoems about love, a broken hearted person, poems about the hurt of a person. Poems about a thousand word that can't be tell. Not just poems, but a thousand words that I cannot say.