Pagmamahal mong walang humpay,
Hanggang kailan mananalaytay?
Kung puso ay unti-unting namamatay,
At sayo'y unti-unting nawawalay?Hanggang kailan mananatili ang iyong pagmamahal?
Hangal na kung hangal
Pero ayokong mawala ka sa piling ko mahal,
Umaasa ako na tayo'y magtatagalMalayo ka saakin,
Hindi ako sayo'y makatingin
Ilang kilometro ang distansya natin
Kaya mo pa bang ako ay mahalin?Gustong-gusto kitang makita araw-araw
Ngunit tadhana na ang sumasapaw
Kailan kaya ulit kita matatanaw?
Nang wala kahit ano mang laktawMahal na mahal kita,
Hindi ko maipakita ang tunay na nadarama,
Pero sana ay iyong makita,
Na sa huli, sa puso ko'y ikaw ang namamahala
BINABASA MO ANG
Poems of A Thousand Words
PoetryPoems about love, a broken hearted person, poems about the hurt of a person. Poems about a thousand word that can't be tell. Not just poems, but a thousand words that I cannot say.