Ansakit-sakit
Bawat araw lagi akong may tanong na bakit?Bakit humantong sa ganito mahal ko?
Bakit ika'y biglang nagbago?
Bakit ang lumamig ang tingin ng mga mata mo?Bakit bigla kang nanlamig at bakit nasasaktan ako?
Bakit mahal ko?
Bakit.. sa dami ng sinabi ko.. isa lang ang naisagot mo?
'Ok.'
Dalawang letra,
Isang salita,
Pero ang sakit sa pandama.
Ansakit sa mata
Mga luha ay nagsituluan naAng babaw ko ba?
Bakit ganyan kana?
Bakit nawala na ang dating ikaw?
Bakit nawala na ang mahahaba nating pag-uusap?
Bakit parang tila ba..Nawawalan ka na ng gana?
Ang sakit-sakit na.
Mahal ko, ako pa ba?
Ako pa ba ang laman ng puso mo?
Pagod kana ba?
Pasensiya na..
Pero kung ayaw mo na, sabihin mo lang..
Dahil papalayain kita.
Papalayain kita kahit ayaw ko pa.
BINABASA MO ANG
Poems of A Thousand Words
PoesíaPoems about love, a broken hearted person, poems about the hurt of a person. Poems about a thousand word that can't be tell. Not just poems, but a thousand words that I cannot say.