Kaibigan

16 3 2
                                    

Kaibigan,
Isang salita
Mayroon itong walong letra
Pero nasan nga ba sila?

Kaibigan, ako ba'y iyong naiintindihan?
Sakit na nararamdaman,
Handa mo ba akong damayan?

Kaibigan bakit ka ganyan?
Problema ko'y iyong pinagtatawanan?
Seryoso ako't hindi nakikipag-biruan
Bakit? Bakit hindi mo ako maintindihan?

Kaibigan, bakit hindi mo ako sinusuportahan?
Bakit hindi mo nakikita sa aking mga mata na ako'y iyong nasasaktan?
Bakit hindi ka makaramdam?
Kaibigan, ang lungkot, sakit, at saya sa loob ko'y nagpapatayan.

Kaibigan, bakit hindi kita makitaan?
Ng pag-aalala saakin kahit katiting man lang?
Bakit kapag ikaw ang may problema ika'y aking dinadamayan?
Pero ako ngayon, ay hindi mo man lang maintindihan.

Bakit kaibigan?
Bakit hindi mo ako pinapakinggan?
Bawat salitang aking binibitawan
Parang wala kang pakialam?

Kaibigan, gusto ko nang mamatay sa sakit na nararamdaman
Pero bakit, bakit hindi mo man lang ako madamayan?
Bakit sa tuwing ako'y lalapit
Ginagawa mong biro ang aking pinagdadaanan?

Kaibigan, bakit ka ganyan?
Kapag ba ako'y tuluyang nawala
Ito ba'y iyong mararamdaman?

Kaibigan, ang sakit na ng aking nararamdaman
Bawat gabi'y umiiyak at basang-basa ang aking unan
Bakit kung kailan kailangan kita
Hindi kita mahagilap kahit saan man?

Bakit kaibigan? Bakit ka ganyan?

Poems of A Thousand WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon