Untitled Part 11

12 2 3
                                    


Wala akong ginagawang masama

Bakit ika'y nagasabi ng masasakit na salita?

Hindi ko alam kung ano ang iyong nakita

Kaya mo ako sinasabihin ng hindi maganda


Anong ginawa ko sayo?

Bakit nararanasan ko ang sakit na ito?

Bakit patuloy mong sinisira ang tiwala ko?

Patuloy mong dinudurog ang puso ko


Bakit? Bakit sa likod ng nakangiti mong mukha ay may masama kang binabalak?

Bakit sa likod ng iyong nakangiting mukha ay may ugaling parang nabulok na bulaklak?

Bakit mali-mali ang iyong dinadakdak?

Sa mga taong naniniwala sayo at mahina ang mga utak?


Sobrang sakit na

Ayoko nang mapatuloy pa

Mga luha sa aking mata ay walang tigil na 

Sakit sa puso ko ay sobra na


Bakit ganito ka?

Anong ginawa ko sayong masama?

Bakit sobra kang makapagsalita?

Pwede bang tignan mo muna ang sarili mong mukha?


Hindi ako masamang tao

Pero kung gusto mo ng gulo'y ibibigay ko

Kung yan ang ikatitigil mo

Sige ibibigay ko


Pero sa oras na umatras ka sa labang ito,

Asahan mong ako ang tatapos ng sinimulan mo. 

Poems of A Thousand WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon