Depression

15 3 6
                                    

Nababalot ng kadiliman
Nilalamon ng kalungkutan
Nakukulong sa isang silid kung saan walang liwanag ang makakamtan.

Nasasaktan,
Puso't mata'y luhaan
Gustong mawakasan
Ang sakit na nararamdaman

Gustong bawian
Ng hininga't mamatay ng walang nakakaalam
Gustong mawalan
Ng buhay ng walang nakakaramdam

Sakit sa loob ay di nino man maiibsan
Lalo na't kalungkutan ang siyang nagwagi sa labanan
Puso'y puno ng kahinaan.
Isip ay puno ng kapaguran

Sa sulok ng isang silid na puno ng kadiliman
Iniisip sa aking isipan
Ayoko nang mabuhay,
Dahil buhay ko naman ay walang katuturan.

Poems of A Thousand WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon