Hanggang kailan

12 3 2
                                    

Hanggang kailan?
Hanggang kailan aasa ang puso kong sugatan?
Hanggang kailan kailan ko ito mararamdaman?

Hanggang kailan?
Hanggang kailan bubuhos ang aking mga luha sa mata kong namamaga?
Hanggang kailan titigil ang mga tingin nilang mapanutya?

Hanggang kailan?
Hanggang kailan ako maghihintay?
Puso ko ay napapagod na sa sakit na nananalaytay
Hanggang kailan mahal ko?
Hanggang kailan ako mamamatay?

Hanggang kailan?
Hanggang kailan ko iisipin na hanggang sa panaginip nalang kita makakasama?
Hanggang kailan ko titiisin ang sakit na nadarama?
Hanggang kailan ako luluha?
Hanggang kailan?

Hanggang kailan ako makakaramdam ng lungkot?
Hanggang kailan ako makakaramdam ng pait at poot?
Hanggang kailan kita pagmamasdan sa malayo't magmumukmok?
Hanggang kailan?

Hanggang kailan ako aasa?
Kailan ba ako magiging masaya?
Mata ko'y lagi na lamang bang luluha?
Mahal ko ikaw ang nagbibigay saya.

Pero hanggang kailan?
Hanggang kailan ko mararamdaman ang mumunting saya?
Hanggang kailan kita makikitang may kasamang iba?
Ngiti mo ay nagdudulot sakin ng saya
Pero bakit? Bakit may mga luha ako sa mata?

Mahal ko hanggang kailan?
Hanggang kailan ako masasaktan?

Poems of A Thousand WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon