Nanghihinayang
NADINE
"Hey, Let me go."
O-em-gee. James Reid is hugging me right now. Este, niyayakap ko si James Reid ngayon. Heaven na ba 'to? Pagpasok palang niya kanina alam kong siya na. Kahit na naka-shades pa siya at naka-hood alam ko na talaga. Anong silbi ng pagiging fan ko diba?
"Ahhhh." Tili parin ako ng tili. Pilit niya ding tinatanggal ang pagkakayakap ko sa kanya pero di ako nagpatinag.
"Get-off me! My girlfriend is waiting outside" Sigaw niya. Girlfriend? May girlfriend pala siya? Ba't hindi ko alam yun?
"No! I'm here. I'm your girlfriend!" Tae. Handa ako maging rebound para sa kanya. Hiwalayan niya nalang yung girlfriend niya at handa akong maghintay! Ang bango niya sobra.
"Fck!" Sigaw niya. Tumitingin na yung mga lalake na umiihi sa gilid. Who cares? Moment naming 'to.
Maya-maya, nakita ko si Aya na pumasok sa pintuan.
"Nadine?!" Inilayo niya ako kaagad kay James. T.T
"James!" Sigaw ko. "Don't leave me!"
Hinawi niya pataas ang hood ng jacket niya at tumakbo palabas ng CR.
"Ayang! Pakawalan mo ako!" pagpupumiglas ko. Panira ng moment naman 'to si Aya eh!
"Hoy Nadine! Kung papakawalan kita, baka halayin mo pa siya." Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko.
"Oo! Ahhh! hahalayin ko kaagad siya!" Tumakbo na agad ako palabas ng CR para hindi na ako malayo pa ni Aya sa asawa ko. Oo, asawa! Magiging asawa ko din si James Reid. Bwahahahaha!
Nakita ko kaagad si James sa di kalayuan na tumatakbo palabas ng entrance. Lahat ng mga tao tumitingin sa amin dahil parang pulis ako at siya naman ay snatcher.
"James!" Sigaw ko pero di parin niya ako nilingon.
Hinabol ko siya hanggang sa mapunta kami sa parking lot.
Pumasok kaagad siya sa isang kotse. Pagpasok niya, may lumabas na magandang babae sa kanang pintuan ng kotse. Ohmy! Ito ba yung girlfriend niya?! Nakita ko na ata 'to ah. Basta, nakita ko na siya sa tv. Sa music video ata.
Lumabas din si James sa kotse. Gusto ko siyang i-hug at i-kiss kaya lang baka magalit siya. Ang gwapo niya talaga at ang cool lalo na nung lumabas siya sa kotse niya. Parang racer lang.
Pinuntahan niya ang girlfriend(?) niya na nakatalikod at naka-cross arms. Ay? Umaarte si Ate. Ganyan siguro ang mga type ni Papa James, mga maarte. Hmm, maging maarte rin kaya ako?
Parang nanonood ako ng sine ngayon. Bigyan niyo nga ako ng popcorn! Ipinatong ni James ang kamay niya sa balikat ng babae tapos may binulong siya.
"Shshshshshhshs." Yan lang narinig ko eh.
Humanap ako ng pwedeng upuan para mas maganda ang panonood ko. Naupo ako sa isang bench malapit dun.
Humarap ang babae kay James tapos sumigaw, "Break na tayo!"
Nalaglag ang panty ko. Joke! Ang panga ko pala. So it means girlfriend niya nga ito? Sinabi pa nga niya kanina sa CR na 'My girlfriend is waiting outside' eh. Ang gwapo ng accent niya! Erase erase. Dapat magluksa ako ngayon kasi magbe-break na sila. Magluksa o magdiwang?
"Huh? But why?" Kahit na nakaupo ako dito, alam kong nakakunot ang noon i James. Langyang babae.
"Why? this is the reason." Humarap yung girlfriend niya na sa kotse na katabi ng kotse ni James tapos may lumabas na gwapong lalake.