Peg-ebeg Ne Keye
Isang buwan na ang nakalilipas. Natapos nadin namin ang taping ng DNP the movie. Natapos na din namin ang paggawa ng mga OST na ginamit para sa soundtrack ng movie. Na-meet ko na din si haveyouseenthisgirl at binigyan niya pa ako ng series ng movie niya. Nagkaroon na din ako ng 213,459 followers sa instagram at 3,987,867 sa twitter. Sa facebook? Marami na akong lovers at kakaunti nalang ang haters ko.
Ang bestfriend kong si Aya? Nalaman ko nalang na sila na pala ni Raven Calague a.k.a Men-in-black. Nakaka-miss tuloy ang commoner life ko.
Nagpapa-renovate na kami ngayon ng bahay namin at nakabili na din ako ng fortuner para gamitin nina Mama. Si Papa? Hanggang ngayon wala parin kaming balita sa kanya. Plano kong bisitahin siya bukas sa Laguna para i-check kung ano na ang lagay niya ngayon. Tumatawag naman siya pero madalang lang. Ang kambal stable na sa school nila at may fans na daw sila sa school at sa facebook. Ramdam na ramdam ko ngayon ang pag-angat ng buhay ko. Pero siyempre, down to earth parin akong tao.
Kami ni James Reid? Masakit man pakinggan pero umaasa parin ako sa kanya. Oo, masakit. Bakit? Kasi nga umaasa ako na magustuhan niya ako kahit 0.5% man lang. Sa loob kasi ng isang buwan na magkasama kami ay natutunan ko siyang magustuhan at mahalin. Ang bilis ano? Ganyan na talaga ang panahon ngayon. Parang malanding babae na pag-flip ng buhok niya, nagbago kaagad ang lahat. Tinigil na din namin ang 50 Days. 30 Days lang nga yung pagiging katulong ko. Tinigil na namin kasi may pera na ako ngayon kaya hindi ko na kailangang umasa sa kanya.
The best na sana yung buhay ko ngayon naging worst lang kasi ang manhid niya tapos inaasar parin niya ako. For instance.
Nasa starbucks kami ngayon ni JR. Pampalipas lang ng oras. Marami nga ang gustong magpa-picture at magpa-autograph sa amin pero we refused. Buti nalang understanding sila kaya walang hassle ang hang-out namin ngayon.
"Hoy panget." Sabi nanaman niya sa akin. Hindi ko na siya sinasagot ngayon kasi alam kong talo parin ako.
"Sinong panget?" Kunwari hindi ko kilala ang panget na tinutukoy niya. Ang ganda ko kaya!
"Ikaw." Sagot niya. Nag-acting ako na kunwari nagagalit ako. Gumagaling na talaga ang acting skills ko ngayon!
"Tss." Nag-smirk ako. Akala niya ha. Dapat inirase ni author yung 'alam kong talo ako' kasi palagi akong nanalo kapag nag-aaway kami ni JR.
I take a sip sa frappucino ko at nagbigay ng topic, "JR, kailan ka magpapatuli?" Akala niyo ha hindi ko nakalimutan na hindi pa siya tuli!
Nadura niya sa flower vase na nasa center ng table namin ang Ice choco niya. "Ha?"
Alam kong narinig niya! Kunwari pa siya.
"Punta tayo Laguna bukas. Doon tayo magpapatuli." Sabi ko with a smirk.
"Ha? Ah-eh, busy ako eh. May lakad kami ni Dad bukas."
May lakad pala ha. Kinuha ko ang Samsung S5 ko at tinawagan ang Dad niya. Close kami ng Dad niya kasi daw napaka-funny ko daw na tao. Sabi pa nga niya eh na bagay daw kami ni James. Ang iPhone 5s ko? Binigay ko na sa unang pulubi na nakita ko last month para naman makaranas siya na makahawak ng ganung gadget.
Anyways, nag-ring na phone. Tiningnan ko si JR at nag-wink sa kanya. Akala niya ha siya lang ang magaling mag-wink. Ako din kaya!
"Hello?" Sa wakas, sinagot din ni Tito Chad.
"Hi Tito Chad!" Bati ko sa kanya. Kita ko ang frustration sa mukha ni JR. Hahahaha.
"Oh, hello Nadine! How are you?"