DNP Taping Part One
NADINE
**Scene One
Ngayon ang first day ng taping namin. Artista na ako ngayon kaya wag kayo! Inggit nga si Aya eh kasi wala daw siyang role. Pero sabi ko sakanya na sasabihan ko si Direk Andoy na isali siya kahit maid lang ang role niya. Haha!
Eh yung nangyari kahapon sa condo ni JR? Naku! Wag niyo nang itanong dahil nakakabwiset talaga siya! Sinilipan ba naman ako! Hindi naman sa silip talaga, pero... PUMASOK TALAGA SIYA SA CR HABANG NALILIGO AKO EH! Maalala ko lang ang mga pangyayari kahapon, naiinis ako!
"Hey pretty lady!" Kita niyo na! Iniinis talaga ako ng mokong nato.
"Ayieeeeee." Tch. Nag-ayiee nayung mga staff at ibang artista dito sa tent. Kainis talaga!
Biglang sumingit si Ate Yassi. "Hi Guys!"
Maya-maya dumating nadin si Kuya Andre. "Yo Peeps!"
Ngumiti ako tapos bumati din sa kanila, "Hello!"
"Eh bakit ako hindi mo binati?" Tampo ni JR. Hinarap ko siya tapos tinarayan.
"Eh sino kaba?" pagtataray ko.
"Boyfriend mo." He said then winked at me. Biglang uminit ang mukha ko. Shet! Kahit na naiinis ako sa kanya, hindi nawawala ang kilig ko.
"Eew. Never!" Tinalikuran ko siya tapos humarap ulit kina ate Yassi.
"Ayieee! Kayo ha!" Sinundot-sundot ni Kuya Andre ang tagiliran ko.
"Ehhhh! Hindi kaya!" I giggled.
"Weh?" pumagitna si Ate Yassi sa amin. "Ba't namumula ka kanina?"
Namutla ako. "Ha? Ha? Eh? Hin.. hindi kaya!"
"Wag kayo makinig diyan Ate Yas! Kinikilig lang yan!" Sigaw ng demonyo na nasa likod ko. Hinarap ko siya tapos sinuntok sa tiyan.
"AWWWW! Sadist lover!"
Naghiyawan ang mga staff at pati narin sina Ate Yassi. Ugh! Kahiya talaga!
"Okay. Ready na guys!" Sigaw ni Direk Andoy.
Siguro nagtataka kayo kung bakit ang close na kaagad namin nina Ate Yassi at Kuya Andre. Ganyan talaga yan basta ang mga gwapo't magaganda nagu-unite. Kinausap kasi nila ako kahapon gamit ang phone call at tinanong nila ako about life. Ang babait nga nila sa akin eh pwera nalang sa demonyong James Reid nayun! Hmp!
Pumwesto kaagad ako sa may table sa gitna ng school grounds. Ito yung first scene ng movie. Yung ipapakita ang pagmumukha kong puno ng pimples at very very oily. Ang pangit ko nga eh! Pero okay nato, para naman sa 5 million.
Alam niyo kung ano ang big stunt na ginawa ko?
Umupo lang ako. Tada! Tapos mamaya nalang daw ida-dub ang boses ko para sa background ng scene.
"Okay, cut." Sigaw nanaman ni Direk. "Next scene."
Lumipat nanaman kami sa isang bahay na sa likod lamang ng school. Doon igaganap ang next scene. Ako nga pala si Eya Rodriquez, panget. O ha! Kina-carreer ko na talaga ang pagiging artista.
Habang naglalakad, may demonyo nanaman na tumabi sa akin.
"Hey beautiful!" He said then winked at me. Kahit na kinikilig ako, naiinis padin ako pag nakikita ko ang pagmumukha niya.
"Beautiful mo mukha mo!" Sigaw ko sakanya tapos tumakbo ako papunta kina Kuya Andre na kausap si Ate Yassi at sa kanila ako sumabay.
"Hello Naddy!" She greeted. Ang ganda niya talaga pati na din ng accent niya.
"Hello din Ate Yassi!" Bati ko din.
"Saan na ang boyfriend mo?" Tanong ni Kuya Andre.
"Eeew! Hindi kaya! Magpapakamatay muna ako!" Sigaw ko at tumawa silang dalawa.
May demonyo nanaman na tumabi sa akin.
"Edi magpakamatay ka at magpapakamatay din ako para magsama tayo sa langit." Sabi niya.
Kill me now please!
Mas lalong tumawa sina Kuya Andre at sumabay na din ang ibang staff. -.-
**CONDO
Natapos na din ang first day ng taping namin pero si James di parin makaget-over.
For instance....
"Hoy Panget!" Tiningnan ko siya ng masama. Naman oh!
"Anong panget?! Ganda ko kaya!" Sabi ko sabay flip ng hair.
"HAHHAHAHA! Ganda? San banda?" Tanong niya habang nakataas ang isang kilay. Bading talaga!
"Dito!" Sabi ko sabay gesture ng pagturo sa mukha ko.
"Weh? Eh pwet ka lang nga ni Heart Evangelista eh!" Sabi niya sabay tawa ng malakas. Grrrrr.
"Che!" Sigaw ko at lumakad na ako pabalik sa kwarto KO.
Nagtataka lang talaga ako ngayong araw kasi nagtatagalog siya. Nagtatagalog naman siya nung 1st Day hanggang kahapon pero ngayon straight tagalog siya. Baka naubusan na siguro siya ng english words. Tama!
Umupo ako sa edge ng kama tapos kinuha ang iPhone ko. Nag-post ako ng picture sa facebook kanina and guess what, 501, 987 likes! Kasama ko sa picture sina Ate Yassi, Kuya Andre at ang demonyo.
Binasa ko ang mga comments.
@EyeSmilers: Wow! Omigod! James Reid my labs! (Heh! Akin siya!)
@pompomsgirl19: Sino yang babae? Ang panget naman. (Grrr. Kitang artificial pimples lang yan eh!)
@MhaxleenGamboa06: Kaya nga. And kung makadkit sia kai Papa James parang linta. Eeew! (Ginagalit talaga ako ng mga babaeng to!)
@Yassi_Pressman: Guys, please respect the main actress. She's just portraying the role of Eya Rodriquez of DNP kaya ganyan ang itsura niya. Respect please. ♥
![](https://img.wattpad.com/cover/14832582-288-k82045.jpg)