ANG KAIBIGAN KONG SI HUDAS

483 3 0
                                    

Malakas na bumubuhos ang ulan sa kapaligiran. Nagsusulat ako ngayon ng isang liham para sa aking kaibigang si Hudas. Tanging ang kapirasong kandilang nakatirik sa aking mesa ang nagsisilbing liwanag sa aking buong silid. Namatay ang ilaw. Wala namang bagyo pero sa tindi ng kulog at kidlat aakalain mong sinasalanta na naman ng habagat ang probinsya.

Ngayon ay ika-09 ng buwan ng Hulyo. Dalawampung taon na ang nakalipas at hanggang ngayon hinihintay ko pa rin ang sagot ni Hudas. Tatlong beses sa isang buwan kung magpadala ako sa kanya ng liham para siguradong makakarating. Matagal ko nang natapos ang aking libro pero kahit kailan hindi ako nagtangkang dalhin ito sa impreta. Nais ko sanang mabasa niya muna ito.

Dalawampung taon na. Uso na ang touchscreen na cellphone. Bata pa naman ako. Apat na po’t isa ang eksantong edad ko kaya maalam pa ko sa panahon ngayon. May isa lang akong anak, at iniwan na ko ng aking asawa. Sumama sa mas matanda sakin. Madalas kasi kaming mag-away dahil hindi sapat ang aking kinikita sa pagiging kolumnista ng isang pahayagan dito sa lalawigan.

Tahimik naman ang aking buhay kahit na pinapasaringan ko ang ilang pulitiko kapag nagkokolum ako sa pahayagan. Masigla na ang dati naming tahanan dito sa San Jose. Lungsod at naging kabisera na ng Bataan ang aming bayan. Maganda ang pamamalakad ng nasa posisyon kahit marami pa rin ang tumitira sa pamilya nila.

Saglit nga, bakit ba tayo napadpad doon? Ang usapan natin ay si Hudas. Ang buhay niya at hindi ang buhay ko. Ang pagsasalarawan ko sa aking minamahal na kaibigan. Nasan na kaya siya? Twenty years of waiting for his reply. Sana nababasa niya ang mga liham ko.

ANG KAIBIGAN KONG SI HUDASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon