Sulat para kay Hudas
13 Kalye Maria, San Jose,
Balanga, Bataan
Ika-09 ng Hulyo, 1993
Dear Hudas,
Kamusta ka na? Matagal na rin nung hindi ako nagpadala ng liham sayo. Sana maayos ka ngayon. At sana kilala mo pa rin ako.
Hindi ko na ilalayo ang aking pakay. Sumulat ako dahil nais ko lamang malaman mo na may isinusulat akong libro at ito’y tungkol sa buhay mo. Bilang isang kaibigan ko, ikaw ang naging inspirasyon ko para makatha o mailimbag ang maganda kong nobela.
Hudas, aking kaibigan, patawarin mo sana ako sa mga kwento ko. Kung bakit ko ito ginagawa. Nais ko sana na maunawaan mo ako. Kung bakit hindi ko napigilan ang isulat ang mga bagay na ito.
Pagpasensyahan mo nawa ang aking katha. Maging ang aking makakating daliri na kusang pumipindot sa makinilya. Pagpasensyahan mo na rin ang aking utak o isipan kung naging makulit at hindi na nakapagpigil pa.
Sa pagpugal ng aking puso, hinihiling ko sa’yo na tulungan mo ‘kong itama ang ilang detalye ng librong aking ililikha upang bago ito maimprenta ay napuno na ito ng katotohanan.
Hudas, wag mo sanang baliwalain ang aking liham. Hihintayin ko ang iyong sagot, bago ang ika-dalawampu ng buwan.
Ang iyong kaibigan,
Kristo Fer Asuncion
P.S. Aasahan ko ang iyong pagbabalik.
BINABASA MO ANG
ANG KAIBIGAN KONG SI HUDAS
Historical FictionANG KWENTONG MAGPAPAINTINDI KUNG ANO BA TALAGA ANG ISANG KAIBIGAN. (ANG ANUMANG PANGNGALANG MABABANGGIT AY GINAMIT LAMANG NG MANUNULAT PARA MAGING MAAYOS ANG KANYANG LIKHA. ITO AY KATHANG ISIP LAMANG NG MANUNULAT.)