IKA-ANIM NA KABANATA:

32 2 1
                                    

           

            Aba ginoong Maria, napupuno ka ng grasya. Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo…

 

Unti-unti lumalabas ang mga tao sa tahanan namin. Naabutan ko ang pagsa-Santo Rosaryo ng mga banal na taga-lupa sa banal na poon ni Maria. Ilalagak sa bahay namin ang poon. Papanatiliin sa buong gabi. Ito ang Fatima.

 

            Inabot ni papa sakin ang kanyang kamay, tanda ng respeto sa nakakatanda. Ganun rin ang ginawa ni mama. Nagmano ko sa kanilang dalawa. Pero lahat ng iyon ay mga ala-ala.

            Umuwi akong bukas buong bahay. Naabutan si mama sa pagluluto ng kakainin namin ngayong gabi. Ibinaba ko lang aking bagahe sa upuang kahoy. Lumapit ako sa kinaroonan ni mama. Alam nya na ang kanyang gagawin sa tuwing darating ako. Kinuha ko ang kanyang kamay saka ko idinampi sa aking noo. Sa kabilang banda, nangilabot ako ng makaramdam ako ng bigat sa’king balikat. Ang dampi na nararamdaman ko tuwing iyuyuko ko ang ulo ko kay papa.

            Hindi ko na lang gaanong pinansin dahil ayokong maluha sa harapan ni mama dahil mas masasaktan sya. Ang lamig na ng buong bahay. Dali-dali na lang akong umalis sa gilid ni mama at pinaadar ang dekalampag na radyo.

            “Inaabisuhan na ang lahat ay maaga ng maghanda sa parating na bagyo. Inaasahan na magdadala ito ng pagbaha sa buong kaMaynilaan. Ang mga karatig probinsya kasama ang kaMaynilaan ay makakatanggap ng sampu hanggang labinglimang milimetrong pagbuhos ng ulan kada oras.”

            Maganda ang panahon buong araw at walang sinyales na pag-ulan ang magaganap pero sa ulat ng tagapagbalita mukhang ang araw bukas ay kabaligtaran ng panahon ngayon.

Naupo ako sa de ugang upuan ni mama kapag sya’y pagod sa pagtatrabaho sa buong araw. Panandalian kong ipinikit ang aking mga mata.

Makailang sandal, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Dali-daling tumakbo si mama upang iligpit ang ilang mga damit sa harap-bahay.

Napatayo na rin akong bigla para tulungan sya. Ako na ang nagtapos ng pagkuha nya sa iilang nilabhan nya. Isinara ko ang mga bintana at ang pinto.

“Aba ginoong Maria napupuno ka ng grasya. Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo…” naabutan kong isinasambit ni mama ang isang dasal. Dasal tanda ng pagiging Katolisismo nya.

Hindi na ‘ko isang Katoliko simula ng umalis si papa. Hindi rin ako isang Atheist na hindi naniniwalang walang Panginoon. Ako? Marahil isa kong Agnotismo. Agnotismo na naghahanap sa Kanya. Hindi anti, hindi rin pro. Naghahanap kung san ba dapat ako. Kung kilalanin ko pa ba S’YA bilang manlilikha at bilang tagapagligtas. Malamang mahirap intindihin ang ako na hindi maintindihan ang buong simula ng lahat ng pangyayari. Kung bakit nawala na lang bigla ang tatay ko.

Walang hangin, tanging pagbuhos lang ng ulan ang namumutawi sa buong paligid. Desperado sa pag-iyak ang nag-aalab na panahon kaninang pananghalian.

“JJ.” Tawag ni mama sa pangalan kong Jude Jr, dahil ako raw si papa. Ihinain nya na ang kaninang niluluto nya. Binuksan ko ang ilaw para magsilbing liwanag dahil madilim na rin.

Naunang maupo si mama. Napansin ko na lamang na bakit may isa pang platong nakalagay sa lamesa. Hindi ko na lamang ‘yun pinansin pero ng kukunin ko na ang kanin na nakahain sa malaking plato ay bigla na lamang akong pinigilan ni mama. “Mamaya na muna. Hintayin natin ang papa mo.”

NApatigil ako sandal. Nagulat. Wala akong nagawa kung ‘di ang sundin sya. Biglang may kumatok sa isinara kong pinto. Tumayo si mama at dali-daling pumunta sa pintuan upang buksan ito. Mas nagulat ako ng Makita ko ang basang basa kong tatay.

“JJ, kumuha ka ng tuwalya. Bilisan mo.” Wala kong emosyong tumayo at sinunod ang utos ni mama. Diretsong lumapit sa kinaroroonan nilang dalawa.  Inabot ang tuyong tuwalya saka ko narinig muli ang pangalan ko sa kanya.

“Salamat, Hudas.” Bigla kong nanlamig at sa sandalng iyong naluha ako.

Dug…dug…dug..dug…

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANG KAIBIGAN KONG SI HUDASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon