IKALIMANG KABANATA:

63 4 1
                                    

Nagbalik ang aking ala-ala. Nagsimula na ko sa pagbuo ng mga linya ng buhay nya. Isusulat ang isang kabanatang magbibigay ng kahulugan ng buhay nya. Ama. Doon ko nakilala ang tunay na si Hudas.

 

“Gaano kaimportante ang tatay mo sayo?” tanong nya sa akin.

“Si papa? Gaano kaimportante? Simple lang. importante sya sakin kasi kung di dahil sa kanya at kay mama wala ako dito sa mundo,” sabay tingin at ngiti ko sa kanya.

“Buti ka pa. Magkakasama pa rin kayo. Buo. Masaya na kahit sa isang pamilya di maiiwasang magkaaway-away kayo,”  sambit ng kanyang dila. “Alam mo masaya rin ako kahit wala si papa sa tabi ko.”

Masaya ang binanggit ng kanyang labi at dila ngunit ang sabi ng kanyang mga mata ay malungkot. Maliwanag naman ang buong paligid ngunit pakiramdam ko ay madilim.

“Kris?” bigla nyang tawag sakin.

“Bakit?”

“Bakit ba kami iniwan ni papa?” Tumahimik ng ilang sandali. “Si papa, bakit nya kami pinagpalit ni mama sa ibang babae? Bakit kailangan pa kaming magkaganito?”

Hindi ako nakasagot sa sunod-sunod nyang tanong. Marahil wala naman kasi kong alam kung ano nga ba ang mga dahilan ng pag-iwan sa kanila ng papa niya. Ramdam ko ang mga lungkot sa bawat salitang binigkas nya.

“Si papa. Sya yung bayani ko noon pero ngayon nagbago na. Mas nakita kong mas bayani si mama. Iniwan kami ni papa pero ang tagtag ni mama.”

“Si papa sya ang bayani ko noon.”

Bigla nag-iba ang tono ng boses nya.

“Si papa, sya ang bayani ko noon.” Paulit- ulit kong narinig sa aking isipan ang pangungusap na ito.

“Kris.” Muli nyang banggit sa pangalan ko. “Pumunta sya ng Malaysia para sa iba. Hindi ko naman sila nakikitang nag-aaway ni mama. Hindi ko rin sila naririnig na may halong galit kapag sila’y nag-uusap. Pati ang mga tinginan nila, hindi ko napansin na matagal na palang sira ang aming pamilya.”

Unti-unti ko ng naiintindihan ang gulo.

“Hindi ko kayang makitang umiiyak si mama. Hindi ko kayang marinig ang iyak nya. Hindi ko kayang tignan ang namumugto nyang mga mata na tuiwng uuwi o darating ako sa bahay hindi na ko kinakausap ni mama.”

Huminto ang mundo sa pagkakataong iyon. Hindi ko alam kung totoo ang paghinto ng oras pero naramdaman ko ang katahimikan at hindi paggalaw ng paligid. Maging ang mga ulap at ang paglipad ng ibon ay nanatili lang sa alapaap.

Tinignan ko ng ilang sandali si Jude. Hindi sya gumagalaw. Pinaglaruan ako ng oras. Nakita ko ng ilang sandali ang lahat ng sinabi nya bago ko napansing hawak na pala nya ang braso ko.

Naawa akong bigla sa lahat ng naaninag ng aking mga kaisipan. Tumakbo muli ang oras. Nagpatuloy na ulit ang kanyang pagsasalita tungkol sa kanyang ama.

“Naging mag-isa ko dahil kay papa. Hindi na ko nakikilala ni mama. Hindi sya isang baliw kung inaakala mo. Naging malamig ang buo naming bahay. Nawala ang lahat ng saya na noong bata pa ako doon ko lang nakikita. Masuwerte ka dahil ang simpleng ama, ina at kapatid ay nararamdaman mo.

Binitiwan nya ko. Tumayo sya at naglakad papalayo habang ako sinusundan sya.

“Dahil ikaw Kris, masuwerte ka kaya magpasalamat sa Kanya. Dahil hindi mo alam ang tunay na pakiramdam kapag nawala ang lahat ng kulay ng buhay mo. Hindi mo alam ang pakiramdam ng dilim at lamig sa loob ng damdamin ko. Dahil ikaw ay hihinto at tatakbo.” Nagpatuloy na lamang sya sa paglalakad habang ako napahinto ng ilang segundo bago ko muling naglakad ant sundan sya.

 

Dahil ang tunay na kahulugan ng isang simpleng pamilya ay ang saya na dulot nito. Dahil ang kahulugan hindi lamang sa pananatili ng komunikasyon sa loob ng isang tahananan kung di sa pagkakaroon ng amang magiging inspirasyon mo, nang isang inang magsusumikap para magkaroon ng ilaw ang isang tahanan at ng mga kapatid na magpapatatag ng isang pundasyong iniingatan ni ama, ang maging haligi rin sila. Dahil ang tunay na pamilya ay ang kulay ng buhay ng isang indibidwal. Dahil bigla kong nalaman na ang lahat ay hihinto at tatakbo kapag nawala at nagkaroon.

ANG KAIBIGAN KONG SI HUDASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon