UNANG KABANATA

100 3 0
                                    

            Nakita ko ang mala-anghel n’yang pigura. Tahimik lamang s’yang nagmamasid sa buong paligid. Sa tingin ko may hinihintay s’ya. Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan n’ya…

            Biglang pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata. Inabot ko ang malinis kong panyo ngunit hindi n’ya iyon kinuha. Sa pagpatak ng mga luha sa kan’yang mga mata ay halatang may pinagdadaanan s’ya. Hindi n’ya alintana ang pagdaan ng mga tao sa paligid.

            Nakayuko lamang s’ya. Pinupunasan ng kan’yang kamay ang luha n’ya. Siguro para pigilan ito sa pagpatak. Tinabihan ko s’ya. Hindi s’ya umiimik. Walang salitang lumalabas mula sa kan’yang bibig. Tanging ang paghikbi lamang ang gumagambala sa tahimik n’yang pagkatao.

            Kanina ko pang gustong magsalita pero hindi ko magawang ibuka ang aking bibig. Puno ng pangamba ang aking nararamdaman. Puno ng takot. Isa lamang akong hamak na estranghero para sa kan’ya. Hindi kami magkakilala pero naawa ako sa kan’ya kaya’t naglakas loob akong lumapit sa lugar na ‘to.

            Matagal ko na s’yang nakikita. Matagal na kaming nagkakasalubong sa daang ito. Lagi siyang mag-isa at walang kasama. Tahimik lamang syang dumadaan sa pasilyo ng gusali na aming pinapasukan. Walang kinikibo. Walang kasama. Iisang emosyon. Iisang lalaking akala mo’y napag-iwanan na ng panahon.

            “Alam mo…” biglang sinambit ng aking dila ang dalawang salita ngunit hindi na ko nakapagpatuloy pa.

            “Wala kang alam,” nagulat ako ng bigla nyang banggitin ang mga katagang ‘yan habang patuloy s’ya sa paghikbi at pagpunas ng mga patak ng kanyang luha.

            Nanahimik ako. Gusto kong marinig ang mga dahilan n’ya. Gusto ko s’yang kausapin pero paulit-ulit ang mga salitang tumatak sa aking isipan.

            “Wala kang alam.”

            “Wala kang alam.”

            Wala nga akong alam. At sino ba naman ako para malaman ko iyon? Isa nga lamang akong estrangherong naligaw at napadpad sa tabi n’ya.

            Tumayo na ko sa aming inuupuan. Iniwan ko ang panyo sa kanyang tabi. Naglakad. Naglakad papalayo sa kan’ya. Iniwan. Iniwan s’ya. Nakayuko na lamang akong lumalayo sa kan’ya.

            Biglang may sumagi sa aking isipan. Sino nga ba naman ako? Ano bang paki-alam ko sa tulad n’ya? Akala mo kung sino siya. Gusto ko lang ang makatulong pero kung ayaw niya wala kong magagawa. Sapat na siguro ang abutan ko s’ya ng panyo ko upang pahintuin ang pagtahak ng kan’yang luha.

            Papalayo ako ng papalayo sa kanya. Narinig ko na naman ang mga salitang daing n’ya.

            “Wala kang alam.”

“Wala kang alam.”

Nabibingi ako sa aking naririnig. Bakit ayaw niyang mawala sa isip ko? Naguluhan akong bigla. Bakit? Hanggang sa may isa pa kong tinig na narinig.

“Iniwan niya kami.”

Napahinto ako sa paglalakad ko. Pinaringgan kong muli.

“Iniwan niya kami.”

Napatingin ako sa kan’ya, hawak ang isang puting tela. Ang panyo ko. Pinupunas n’ya sa mga luha n’ya. Hindi ko aakalaing kukuhanin n’ya iyon. Naririnig ko pa rin ang paghikbi n’ya. Hindi ko namalayang papalapit na kong muli sa lugar kung saan ko siya iniwan.

Naupo akong muli. Nagpatuloy lamang s’ya sa pag-iyak. Hinayaan ko s’ya. Hinayaan kong ilabas n’ya ang lahat. Hinayaan kong idaan n’ya sa pag-iyak ang nararamdaman niya. Hinayaan ko siya.

“Iniwan niya kami.”

Muli niyang sinambit ang mga salitang iyon. Nagtaka na ko kung bakit niya sinasabi ang salitang ‘iniwan’. Sino? Kanino? Ano bang meron? Napuno ako ng tanong sa isang pangungusap na hindi ko naman aakalaing gugulo sa aking isipan.

“Si papa, iniwan niya kami.”

Nagulat ako sa narinig ko.

“Iniwan niya kami ni mama.”

Hindi ako nakagalaw. Hindi ako nagkaroon ng anumang reaksyon maliban sa pagkakagulat ko. Nagulat. Puno ng pagkagulat ang aking pagkatao. Ang mga tanong ko ay bigla na lamang sinagot. Hindi ko aakalain makukuha ko agad ang pangalan ng taong dinadaing ng mga salita nyang ‘iniwan’.

Doon ko nalamang mali ang aking hinala sa umpisa. Ang mala-anghel nyang pigura ay nanatiling anghel. Ang tahimik niyang pagmamasid ay napuno ng ingay ng paghikbi. Ang lalaking mag-isa sa paglalakad sa pasilyo at daang ito ay kasama ko. Nakilala ko siya. Siya si Hudas. Si Lucas. Siya pala si Jude Luke Apacible.

ANG KAIBIGAN KONG SI HUDASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon