Chapter Ten

158 8 0
                                    

{Shyle's POV}

"Si Nick na lang, siya naman kasama ko." Irap niyang saad ng makita si Wind.

Ano bang ginagawa nito duon?

"Ako na." hinawakan siya nito sa braso. "Huwag mo na ako pipigilan." Agad nitong sambit ng makita si Nick na hahawakan ang kamay niya. Napabuntong-hininga lamang si Nick na tinanguan siya.

"Ingat Shyle. Mauna na ako. Kita na lang tayo sa school."

"Kahit wag na!" May galit sa boses na saad ni Wind. Nang makaalis si Nick ay saka siya nito hinila papuntang parking lot.

"I know how to walk!" galit niyang bulaslas na binawi ang braso dito.

"Hindi mo ba napapansin ang oras mo ha? O talagang gusto mong magpagabi para makasama ang lalakeng yun!?"

"How dare you to talk to me like that? Oo katulong mo ako pero hindi ibig sabihin nun ay kaya mo na akong pagsabihan ng ganyan! Eh ano ngayon kung gusto kong makasama yung tao? Ano ba kita?" galit ding sumbat ni Shyle sa lalake.

"Pa-sok." Madiin na sambit ng lalake.

Padabog na pumasok siya sa kotse nito. Nang makapasok na rin si Wind ay agad nitong pinaandar ang kotse at pinatakbo iyon. Walang imikang namagitan sa kanila habang tahak nila ang daan pauwi. Halos malapit na sila ng walang anu-ano ay may humarang sa kanila na isang itim na van.

Nagkatinginan silang pareho.

Papagabi na noon at wala ng masyadong tao sa daan.

"Stay here." Ani ni Wind sa kanya.

"Wait." Pigil niyang sambit saka hinawakan sa braso. "Saan ka pupunta?"

"Haharapin ko mga yan." Turo nito sa mga lalakeng nagsibabaan sa sasakyan. "Kahit anong mangyari, manatili ka dito sa sasakyan." Tinanggal nito ang kamay niya sa braso ng lalake saka bumaba ng hagdan.

Ewan niya kung bakit pero sa sandaling iyon ay tila hindi na siya ang dating Shyle na binuhay niya. Hindi na siya ang dating Shyle na matapang at hindi takot sa kahit anong gulo. Ngayon ay halos lumabas na ang puso niya sa sobrang kaba habang nakatingin sa mga taong nasa harapan ng sasakyan nila.

Nakita niyang pinalibutan ng limang lalake si Wind na sa tingin niya ay mga grupo ng fraternity. Ang ilan ay may hawak hawak pang baseball bat. She knew this was trouble at kinakabahan siya sa maaaring mangyari kay Wind lalo pa't nag-iisa ito. Kinausap ito ng tila leader ng grupo, maya-maya pa'y lumingon sa gawi niya ang mga ito saka muling ibinalik ang tingin kay Wind. Nakita niyang ngumisi ang leader at hinawakan ang sariling batok.

Sa tantya niya ay kinakausap ng maayos ni Wind ang mga ito lalo pa't wala namang ibang nakabalatay na ekspresyon sa mukha nito. Nahinto sa pagsasalita ang leader saka tumango. Tumango din si Wind at tumalikod na. Ngunit nagulat na lamang siya ng sugurin ito ng dalawang lalake nasa gilid. Hindi pa nagtatagal ay agad na sumugod din ang dalawa pa. Si Wind ay nanatiling nakahandusay sa lupa dahil hindi din nito magawang lumaban. Hindi tumigil ang mga ito sa pagsuntok at pagsipa kay Wind kahit na ba hindi na lumalaban ang lalake

"Wind!" sigaw niya na tila ba naririnig siya ng lalake. Binuksan niya ang pintuan ng kotse at patakbong lumapit sa mga ito. Isang sipa sa likod ng tuhod ang ibinigay niya sa isang lalake. Napaluhod ito at inagaw niya ang baseball saka pinagpapalo sa iba pa. Agad naman na nagsilayuan ang mga ito.

"Ano!? Lumapit pa kayo! You think you can beat me hah!"

Tumawa ang leader ng mga ito na lumapit sa kanya. She didn't step back, nanatili siya sa kinatatayuan sa tabi ni Wind.

"Miss, wag kang makialam. Wag mong idamay ang sarili mo dahil sa ungas na yan."

"You didn't know me so step back. Umalis na kayo dito bago pa ako makagawa ng pagsisihan ko."

When Bad meets Worst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon