Chapter One

536 18 0
                                    

"Hindi mo na ako kailangang gisingin, Amber." Aniya ng makita ang kaibigan na kakapasok sa kwarto niya. Nakahiga pa rin siya kahit na ilang minuto na siyang gising. Unang araw niya sa bagong ekwelahan ngunit tila wala siya sa mood para pumasok.

"Himala atang nagising ka ng maaga. Dati rati kinakailangan pang kilitiin ka sa paa para magising." Natatawang saad nito.

"Kung ganito kaingay ang paligid mo araw-araw talagang magigising ka ng wala sa oras."sambit niyang bumangon na saka nag inat.

"Mukhang hindi ka excited sa pagpasok ah!"

"Why should I? My life was not the same after all. And besides how can I go to school without my car? Maglalakad ako ganoon ba?" she said sitting in the edge of her little bed.

Natawa naman duon si Amber. "Sis, remember what your father told you. Paano mo magagawa ang unang sinabi niya kung magko-kotse ka? At isa pa, gusto mo bang ma-carnap ang sasakyan mo? Wala tayo sa village, okay."

"Whatever."

"Come now. Let's get ready, baka ma-late tayo." Anitong lumabas na ng silid niya.

Siya naman ay kinuha ang uniform sa maliit na closet saka tinungo ang banyo na nasa labas ng kwarto niya. Iyon ang pangatlong beses na gagamitin niya ang masikip na banyong iyon. Tatlong araw na din mula ng magtungo sila ni Amber duon at rentahan ang maliit na bahay na iyon. She wanted to protest pero ano pang magagawa ng protesta niya? She can't do anything kundi ang tiisin at pagtyagaan ang magiging buhay niya sa ngayon.

After a long minutes ay lumabas na rin siya sa banyo na nakabihis na. Makalipas pa ang ilang minuto ay palabas na sila ni Amber sa masikip na eskinita na iyon. Ilang buntong hininga ang pinakawalan niya habang iniiwasan ang mga batang nagtatakbuhan sa dinadaan niya. Well, that was her first dahil hindi naman siya naglalabas sa bahay nitong nakaraang araw. Hindi naman sa ayaw niya ang environment duon, it just that she was not comfortable at wala pa siyang gaanong kilala kaya hindi niya alam kung anong ikakabuti at ikakasama niya.

Nang marating nila ang highway ay saka lamang niya nilingon si Amber na tila may hinahanap.

"Taxi?" tanong niya na ikinanuot noo nito.

"No, sasakay tayo sa Jeep."

"Jeep?"

"Hindi ka pa ba nakakakita ng jeep?"

Napangiwi siya duon ngunit hindi na lamang sumagot. Ilang minuto pa'y sumakay na sila ni Amber sa jeep. Ang tanging ginawa lamang niya ay ang pagmasdan ang mga taong nasa paligid niya. Para siyang ewan na nakamata sa paligid.

Halos labin-limang minuto pa ang nakakalipas ay narating na rin nila ang kanilang bagong eskwelahan.

"At least our school was big." Aniya habang nilalakbay ang mahabang daanan patungo sa building nila.

"Don't forget to be nice and simple, Shyle." Paalala sa kanya ni Amber na tila ba ilang minuto lang ay makikipag away na siya.

"Yeah." Irap niyang saad dito saka binuksan ang pintuan at sa pagkabigla niya ay may estudyante siyang nabunggo.

"What the...! Bulag ka ba?" may iritasyon sa boses ng babae habang hawak ang noo na tinamaan ng pintuan.

"If you haven't notice, the door wasn't glass kaya hindi ko talaga makikita ang taong nasa kabila. If you want, tell the president of the school to make it a glass door so that no one can bump you!" inis niyang saad.

"Ikaw na nga tong may..."

"Sorry miss. Our apologies." Sabad ni Amber na hinawakan siya ng mariin.

When Bad meets Worst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon