Chapter Twelve

202 7 0
                                    

(Passenger seat by Stephen Speaks playing)

Tahimik sila habang nasa daan. Ang tanging umookupa sa pagitan nila ay ang tugtog ng radio ng sasakyan. Walang nais bumagsak sa katahimikan, ni walang gusto tumikhim man lang.

"And I've got all that I need, right here in the passenger seat. Oh and I can't keep my eyes on the road, knowing that she's inches from me..." Sinabayan ni Wind ang chorus ng kanta na hinaluan nito ng damdamin. Hindi nito inaalis ang tingin sa daan kaya naman hindi nito nakita ang magkasabay na tingin sa kanya nina Shyle at Airy. Hindi man nito sabihin ay alam na nila kung kanino nito inaalay ang kanta. It was so obvious that even blind can see it.

The girls both smiles at him na tila ba nakikita sila nito.

Hinayaan lamang ng dalawa si Wind sa pagkanta nito. May mga ngiti sa labi habang pinapanood at pinapakinggan ang lalakeng patuloy sa pagkanta. Nang matapos ito ay saka lamang umimik si Airy.

"Kuya, nandito ako sa backseat. Hindi lang si Shyle ang kasama mo." tukso nito na ikinalingon nilang pareho.

"Walang kantang backseat." Ani ni Wind na muling itinuon ang mata sa daan. "Kung gusto mo palit kayo ni Shyle."

"Kakantahan mo ako? Passenger seat din?"

"Hindi, gagawa ako ng kantang 'backseat'." Natatawang sambit nito na tinawanan din ni Shyle.

"Loko-loko." Ngingiti-ngiting ani ng babae na ikinalingon niya dito.

"You should smile more, lalo kang gumaganda." Nakangiting aniya na nakatingin sa babae.

Hinawakan ni Shyle ang baba niya saka idinako sa harapan ng sasakyan.

"Sa daan ang tingin, mamaya maaksidente pa tayo."

"Okay lang basta kasama kita."

"LOKO!!" magkasabay na bulyaw sa kanya nina Shyle at Airy. Natawa lamang siya sa dalawa at na itinuon na ang atensyon sa daan.

Dapit hapon na ng nakarating sila sa kanilang farm ngunit sa villa ng kanyang tito sila tumuloy. Malayo pa lamang sila duon ay natanaw na nila ang mga pinsan at tito nilang naghihintay sa kanila.

"They are all here?" may alanganin sa tono ni Shyle na ikinalingon niya.

"Not all. Yung mga nandito lang at yung ibang nagbakasyon din dito." Hinawakan niya ito sa kamay. "Wag kang matakot, di naman kumakain ang mga yan."

"At saka Shyle, si Kuya lang ang hindi mabait sa pamilya namin." Sambit ni Airy na sinaway niya.

"Manahimik ka nga dyan."

"Nagsasabi lang ako ng totoo."

"Bumait naman ako ah!" parang batang turan niya.

"Yeah, thanks to Shyle." Nakangiting sambit ni Airy na kahit itanggi niya ay iyon ang katotohanan. Inilingan lamang niya ito. Maya-maya pa'y nasa harap na sila ng bahay bakasyunan ng tito. Sabay-sabay silang bumaba na agad na sinalubong ng mga kamag-anak nila.

"Mabuti naman at nakapagbakasyon kayo dito, Wind. Ang tagal na rin ng huli kayong nagbakasyon dito." Sambit ng tito Alfred niya.

"Ngayon lang po nagpagplanuhan lalo na at may kasama kaming magbakasyon." Aniya. Saka lamang natuon ang atensyon ng mga kamag-anak kay Shyle na nanatili sa likod nila ni Airy.

"Siyanga po pala, si Shyle. Shyle ang tito ko, si tito Alfred at ang asawa niya si Tita Nicky. Sila ang may ari ng villa. Ang anak naman nila sina Andy, Bernadette at Nicole. Sila naman ang pinsan namin, sina Mike, Aaron, Steve, Angelica at Catherine." Pakilala niya. Isang tipid na ngiti lamang ang ibinigay ni Shyle sa mga ito, na kung iisipin ay natural ng gawain ng babae sa mga bagong kilala nito.

When Bad meets Worst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon