Chapter Four

50 1 0
                                    

{Wind's POV}

Hindi niya alam kung matutuwa siya o maawa sa kaharap. It looks like she had the hardest way to answer his question na pinagtatakahan naman niya.

He never thought that he will ask her that. Ni hindi niya naisip na lalabas iyon sa bunganga niya. But looking at Shyle that time ay ayaw niya ng bawiin ang tinanong.

She was thinking deeply na inaalam ang sagot sa tanong niya. Sa tingin niya ay hindi nito alam ang tamang sagot sa tanong niya o mas magandang sabihin na hindi nito masasagot ang tanong niya. It looks like the girl never fall in love.Or maybe the girl never know what is love.

Which draws him to curiosity.

"I...I never wanted to fall in love." narinig niyang mahinang sagot nito.

"Why?"

"Don't ask. Go back to work dahil gusto ko ng umuwi. I'm tired and sleepy." mataray nitong sambit saka nagpatuloy sa pag-aayos.

Pinagpatuloy naman niya ang ginagawa ngunit nanatiling naiwan sa isipan niya ang isinagot ni Shyle.

What was the reason why the girl never wanted to fall in love? Meron bang hindi naging hindi magandang nangyari dito? At ito ba ang naging dahilan ng ganoong ugali ng babae?

Kaninang kausap nila ito sa canteen ay nakita niya ang pagtataka nito sa sariling nararamdaman. She even easily eases those feelings with curiosity.

Ang nakakapagtaka pa parang hindi nito mabigyan ng pangalan ang nararamdaman. It looks like the feeling was new to her.

Napailing siya sa naisip.

Imposible iyon.

Looking at her ay nababalot ito ng iba't ibang damdamin kaya imposibleng bago lang sa kanya ang ganoong nararamdaman.

Almost past nine na nila natapos ang pag-aayos and both of them are really tired. At masasabi niyang noon lamang niya ginawa ng maayos ang naging parusa niya.

He was been the first student in guidance list at lagi na'y hindi siya pumupunta sa mga sinasabi sa kanya ng guidance councilor. At kung bakit naroroon siya ay hindi niya alam. Maybe because of this girl.

Napalingon siya sa katabi.

"Let's go home. Ihahatid na kita sa inyo."

"No thanks. Tinawagan ko na si Amber kanina and any minute now ay nandito na siya." anitong tumayo.

"Ihahatid ko na lang kayong dalawa." Tumayo na rin siya at sinundan itong palabas ng bodega.

"I said NO. At isa pa, ayan na ang girl friend mo. Sinusundo ka na." sabi ni Shyle sabay turo kay Stephanie na nakasandal sa pintuan ng kotse niya.

Napaungol siya.

Nang makita sila ni Stephanie ay magkasalubong ang kilay na lumapit siya sa mga ito.

"Well, look who's here with my boyfriend. Akala ko ba hindi ka interesado?" taas kilay na salubong nito sa kanila.

"If you don't shut your mouth, I'll do again what I've done to you awhile ago." may bantang saad ni Shyle saka tinalikuran sila.

Sinundan niya lamang ito ng tingin hanggang sa mawala na ito.

"Hinahayaan mo na lang na sabihan ako ng ganun ng babaeng iyon, Wind?" nakapameywang na sabi sa kanya ni Stephanie.

"Look," aniyang hinagod ang buhok patalikod. "hindi ka naman ina-ano nung tao. So better leave her alone."

"Hindi mo ba alam ang ginawa niya sa akin! Napahiya ako sa mga kaklase ko!"

When Bad meets Worst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon