Chapter Seventeen

135 6 0
                                    

Five years later.

"As for today, Guttierrez share will now be held to Miss Gigi Guttierrez as the Finance President of B&G Textile Corporation. She will take over the position of Mister Andrew Prince Guttierrez which will be the C.E.O of Mega-Banking Corporation. So, let's all welcome Miss Gigi Guttierrez." Sambit ni Mr. Monte.

Tumayo naman ang mga taong naroroon at binigyan ng masibagong palakpakan si Gigi na tumayo mula sa pagkakaupo.

"Thank you all. Sisikapin kong maging magaling na leader para sa inyo." Nakangiting sambit ni Gigi.

"And we will also hope that we will be good enough for you." Nakangiting sambit din ni Mister Monte. Tumango lamang ang babae.

Ilang mga impormasyon pa ang pinag-usapan ng buong sangay ng B&G bago natapos ang kanilang meeting.

"So, how's the meeting?" tanong ni Prince na nilingon niya. Kakalabas lamang niya sa conference room at ito ang bumungad sa kanya.

"Okay naman. Nangangapa pa ako sa mga gagawin ko."

"Don't worry, masasanay ka din dyan. Sa una lang yan." Ani nito na inakbayan siya.

"How about you? First day mo ngayon bilang C.E.O ng Mega-Banking diba?"

"Sanay na ako sa gawain sa MBC. Ang nabago lang, sa akin na lahat ibinigay." Natatawang saad ni Prince na tinawanan din niya.

"By the way, where's Shyle? Hindi ba dapat ay kasama siya sa meeting?" takang tanong niya.

Shyle was the Vise President of B&G at nagtataka siya dahil wala ito kanina sa meeting. Lalo pa't alam niyang laging dumadalo ang babae sa kahit na anong meeting ng kompanya.

"Sa kasamaang palad, magkasabay ang meeting ng hotel niya sa meeting dito. Alam mo naman, mas uunahin niya ang hotel kaysa dito."

"Of course, mas priority niya iyon eh. Bakit hindi pa mag-resign dito si Shyle? Nagiging hectic na ang schedule niya dahil dalawang kompanya na ang hawak niya, at pareho pang mataas ang posisyon niya. Ni wala na ata siyang oras para sa sarili niya eh." She said worriedly.

"Try to tell that to her. Kinausap na namin siya ni daddy pero ayaw niya. Mas gugustuhin niyang malulong sa trabaho. Nag-aalala na nga rin si daddy sa kanya. Magsimula ng naipatayo niya ang hotel at pinamahalaan ang B&G, hindi na niya nagawang umuwi ng bahay. Lagi na lamang itong sa penthouse niya tumutuloy. And I really wonder kung lagi siyang duon natutulog at hindi sa opisina niya."

"I've heard na nagpagawa na naman siya ng another hotel."

"That's right. Hindi ko nga alam kung kelan magdahan-dahan yang si Shyle sa trabaho niya." Pabuntong hiningang sambit ni Prince. Napailing lamang siya sa sinabi ng lalake.

Shyle has been dragging herself to her work, at napapansin iyon ng lahat ng nakakakilala dito. Ni hindi nila maisip kung nagpapahinga pa ba ito. She didn't want to stop at sa nakikita nila, mas nanaiisin pa nitong masubsob sa trabaho. And she was worried about her stepsister's situation.

It has been 4 years since the Guttierrez accepted her. Itinuring na siyang pamilya ng mga ito matapos ang DNA test na ginawa sa kanya. Hindi na rin nagtanong ang magkapatid sa kanilang ama tungkol sa tunay na relasyon nito sa ina niya. And after all the trouble that she'd done ay napatawad siya ng pamilya at ang ikinatutuwa pa niya ay tila kinalimutan ng mga ito ang nangyari. Naging malapit ang loob nilang dalawa ni Shyle at naging adviser pa nila ang isa't-isa. Their father was doing his best para makabawi sa pagkukulang nito sa kanya. And above all, she was happy dahil naging buo na ang pamilya niya. And everything was okay.

Sa ibang bansa siya pinag-aral ng kanilang ama para matutunan na rin niya ang pasikot-sikot sa posisyon niya sa B&G na ngayon nga ay nasa kanya na. Sa mansion na rin ng mga Guttierrez siya nakatira kasama ang ama at si Prince.

When Bad meets Worst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon