Pumunta na ako sa lamesa ko para mag start pero , grabe ang dami talaga nito , napahiga nalang yung ulo ko at 10:30 na pala , inangat ko yung ulo ko at pinilit nang gumawa
"Kaya mo yan Zamira!" kaya naman binuksan ko na yung laptop ko at nag search na
"Yan tama yan , mag sulat ka na" habang nagsusulat ako napatingin ako sa photocopy at
"Shemay naman! bakit kasi 175 ?!" napasandal nalang ako sa upuan ko at nag iikot ikot
"ang dami!!!!"
"Hoy wag kang sumigaw diyan baka marinig ka nila!" napatingin naman ako sa pintuan kaya naman naka isip ako ng paraan , bumaba na ako at sinilip siya , nasa may sala siya, dahan dahan akong lumapit sa kanya nang bigla siyang napatingin kaya naman tumalikod ako
"Ah-eh" sabi ko
"Anong kailangan mo?" Omygosh ang lalim ng boses niya , humarap ako sa kanya ng dahan dahan
"AH i-i believe n-na makakayanan ko to through team work" sabay ngiti sa kanya
"i believe we're not teams"
"Ah e heheheehe" tumalikod na ako kasi napahiya ako eh , kaya umakyat na ako at padabog na pumunta sa kwarto ko sabay upo ulit sa may upuan
"Psssh , kaya ko to , tinry ko lang naman na magpatulong sa kanya at alam ko naman na di niya naman talaga ako tutulungan"
Kinabukasan...
Zekiel's POV
Bigla nalang akong napamulat nang makarinig ako ng alarm clock na akala mo ay sobrang laki sa sobrang lakas ng tunog kaya napabangon ako
"Gaano kalaking orasan ba ang gamit niya?" umakyat ako at kinatok katok ko yung kwarto niya
"Hoy Zamira Pien , tandaan mo may mga kapit bahay ka pang natutulog "katok ako ng katok sa pintuan niya pero di niya parin binubuksan
"Zamira Pien!"hinawakan ko yung door knob at naka bukas pala to kaya naman pumasok na ako at sumilip pero wala siya sa kama niya
lalong lumalakas yung mga alarm clock niya kaya naman pinag papatay ko lahat ng yon hanggang sa makita ko siya na naka head down sa lamesa niya, lumapit ako sa kanya at kinalabit siya
"Hoy Zamira Pien , para saan pa yung mga alarm clock mo kung di ka din pala magigising?"kahit ilang beses ko siyang gisingin hindi parin siya nagigising kaya naman inangat ko yung ulo niya at may nakita akong sticky note
"Fxxk these 175 terms" napatawa naman ako, nilapag ko na yung ulo niya at nakita ko na may check na yung 1-35 na terms sa may papel niya
"So naka 35 ka na pala?"
Nagulat ako nang may biglang tumatawag kaya kinuha ko yung phone niya
"Beshywaps" pagkakabasa ko kaya naman sinagot ko to
"Wow himala at gising k-"
"Hello?" sabi ko
"HOY! SINO TO?! ANONG GINAGAWA MO SA PHONE NG KAIBIGAN KO?! AT MAS LALONG ANONG GINAGAWA MO SA KWARTO NI ZAMIRA?!" nilayo ko yung phone sa tenga ko kasi ang lakas pala ng bunganga ng kaibigan ni Zamira
"Wag ka mag alala wala akong ginawa sa kaibigan mo"at tinignan ko si Zamira Pien sa ulo hanggang paa
"At tska , ang liit ng paa niya , ang liit ng binti niya , ang liit ng bewang niya at ang liit niya , kaya wala akong interest na galawin siya" dagdag ko
"Ano ba kasing ginagawa mo diyan? at sino ka?!"
"Ako lang naman yung nag deliver ng bracelet na pinagawa niya at kaya ako naandito dahil may umaaligid sa bahay ng kaibigan mo"
BINABASA MO ANG
EVERY FAN GIRL'S LIFE
RomanceEvery fan girl's life , hindi mawawala ang pagka adik sa mga iniidolo nila , miski gawin mo lang na wallpaper ang idol mo tuwang tuwa ka na at feeling mo jowa mo siya . Makita mo lang siya sa screen nagkakaroon ka agad ng butterflies sa tiyan mo. Ev...