"Teka , tama ba dito ko ilalagay yung bakod? Tska onting pandikit lang ba ilalagay ko?" Tanong ko kay Zeke pero
"*sigh*"nilapit ko ng onti yung muka ko sa muka niya
"Ang swerte ko , nakakita ako ng kamuka ni Hu Yi Tian" at napangiti ako kaso nanlaki yung mata ko nang dumilat siya"May langgam yung ilong mo"
"Nunal ko yan" umayos na ako ng upo at nagising na siya kaya pinagpatuloy na naman naming gumawa"Babae ka ba? Bakit hindi mo itali yang buhok mo? Mamaya dahil sa mga nakaharang mong buhok sa muka di mo na alam daliri mo na pala yung hinihiwa mo diyan"
"Wala akong tali"
"Tss Paabot ng cutter"utos niya sakin kaya naman hinanap ko
"Asan na yun?"bulong ko at nang makita kong nasa lapag , yumuko ako at nanlaki yung mata ko nang makita ko yung malaking peklat niya sa may paa kaya naman inangat ko na yung katawan ko at humarap sa kanya"Z-Zeke , n-nakita lang ng mata ko , a-anong nangyari sa paa mo?"
"Katangahan"mabilis niyang sagot
"Grabe akala ko perfect ka na, pero buti nalang hindi sa muka mo yan nangyari""Teka Kailan ba pasahan nito?"pag iiba niya ng usapan
"Hmm end of this month pa naman"
"Ah , edi okay lang na di natin matapos to?"
"Oo , ay anong oras na rin pala , Pwede ba dito ko nalang muna to itago?"
"May magagawa ba ako?" Napangiti ako at tumayo na
"Good bye Zeke , goodnight and thankyou!"umalis na ako at umuwi na.--
"Princess , pinag exam na kita sa labas at nasubukan mo pang magpantasya? , ano to?! Bakit may Zeke dito?!"napayuko ako
Pinasa na sa amin yung mga papers at kinuha ni Shayne yung akin
"Grabe ka , kung hindi mo nasulat si Zeke dito , perfect ka sana"inangat ko yung ulo ko at tumingin sa kanya
"Sa kanya lang kasi ako nagpapakaperfect para magustuhan niya na ako"at ngumiti ako ng nakakapang loko
Library..
"Any progress sa ginagawa mong miniature?"tanong sakin ni Shayne pero ako inaantok ako at pabagsak bagsak yung ulo ko
"Hoy Zam, wala ka na naman bang tulog?"
"Salamat Zeke"para akong nabuhayan nang marinig ko yung pangalan ni Zeke pero , galing sa babae kaya naman tinignan ko kung saan yun galing
"Oh si Thea yun ha?"nagulat naman ako nang biglang sumulpot sa likod ko si Shayne
"Shhh wag ka nga maingay" at tumingin ulit sa kanilang dalawa"Tsss sakin ang dalang mong ngumiti pero pag sa kanya , aba parang kinikiliti ah?"naasar na ako sa nakikita ko ngayon at pumunta na ulit sa lamesa namin ni Shayne
"Tara mag aral nalang tayo wag na tayong lumandi"
--
"Zeke Zeke My loves!" Paulit ulit ko na namang kinakanta yun habang inaayos ko na yung bike ko nang mapatingin ko sa kalayuan ko"Omygod si Zeke!"Sumakay na ako sa bike at nagmadaling pumunta sa kanya hanggang sa maabutan ko na siya
"Hi Zeke! , tutulungan mo ba ulit ako ngayon?"dahil sa sobrang hangin ngayong gabi , napupunta yung mga buhok ko sa muka ko
"Ano ba to"bulong ko kaya naman umistop muna ako para ipitin yung buhok ko sa may tenga ko at napatingin ako sa may tabi ko
"O-oy Zeke hintay!"iniwan na pala ako at nang maabutan ko ulit siya , napupunta na naman yung buhok ko sa muka ko
"Saglit Zeke nakakabwiset na tong bu-"
TUGDUGTUGDUGTUGDUGBumaba siya sa may bike niya at hinawakan niya patabi yung buhok ko
"O-oh?"
"Clip yan ni ate Ella" nilagay niya yung clip sa may buhok ko
BINABASA MO ANG
EVERY FAN GIRL'S LIFE
RomanceEvery fan girl's life , hindi mawawala ang pagka adik sa mga iniidolo nila , miski gawin mo lang na wallpaper ang idol mo tuwang tuwa ka na at feeling mo jowa mo siya . Makita mo lang siya sa screen nagkakaroon ka agad ng butterflies sa tiyan mo. Ev...