Chapter 16

18 1 0
                                    

Zamira's POV

Walang umiimik samin , at ang awkward habang naglalakad kaming tatlo habang nasa pagitan nila akong dalawa . Hanggang sa makarating na kami sa nakaparadang sasakyan nila Aiidame

"Osiya , mauna na ako , salamat Zam" napatigil siya ng saglit

"At sayo Zeke" napatingin ako kay Zeke , tinaas niya lang yung ulo niya at sumakay na si Aiidame sa may sasakyan

"Mag ingat kayo , lalo ka na Zam" ngumiti naman ako sa kanya

"Kayo din , mag ingat kayo"

"Tara na"napatingin ako kay Zeke , lumakad na pala papalayo kaya naman nag paalam na ulit ako kay Aiidame at tumakbo papunta kay Zeke

"Tsss may lakad ka ba? , nag papaalam pa nga yung tao eh" sabi ko sa kanya , pero hindi niya ako pinansin habang nakalagay yung dalawa niyang kamay sa bulsa niya

"Teka , b-bakit mo naisipang tumulong doon? at tska kailan ka pa tumulong doon sa bahay ampunan"tanong ko pero patuloy parin siya sa paglalakad

"Tsss . Kahit papaano din pala may puso ka" bulong ko at nabigla ako nang napatigil siya habang nakatalikod parin sakin

"Gusto ko lang ibahagi yung pinaghirapan ko"

"h-huh?"

"Bilisan na natin , alalahanin mo wala sila Ate at Zian sa shop"

"Ay Hala Oo nga pala"

Shop..

"Oo , ang kulit nito oh , di halatang excited ka eh hahahaha!"

"Bakit ikaw? hindi ka ba excited?"

"Hindi , tska natatakot ako makakita ng malalaking puno no hahaha "

"Ha? bakit naman?"

"Alam mo na"

"Ay Oo nga pala , pero wag ka mag alala kasama mo naman kami ni Kaye eh"

"Teka , napapansin ko parang nagiging close na kayong dalawa ha?"

"Tsss close naman kami , bitter lang siya dahil nga sa mga nangyari at pinag gagawa ko sa kanya dati hahahaha!"

"Ikaw naman kasi , napakamalas mo pag andyan si Kaye"

"Hoy mag trabaho ka na"

"*sigh* SIge na , narinig mo naman siguro sigaw ng amo ko "

"Hahahaha osige , goodnight Zam!"

"SIge good night din Shayne"tinago ko na yung phone ko at lumabas na ng kusina

"Eh?" napatigil ako

"T-Teka , wala namang tao eh?!"hinanap ko si Zeke pero nasa may repairing shop siya

"Hoy , paano ako magtatrabaho eh wala namang katao tao?"sabi ko habang nasa pintuan ako ng repairing shop sa loob ng coffee shop

Tumingin siya sakin habang nakaupo siya

"Sinabi ko ba na magtatrabaho ka diyan?"

"E-Eh?"

"Dito ka , dito ka magtatrabaho"bigla akong nakaramdam ng pagsabog sa dibdib ko

"Ano pang tinutunganga mo diyan? gusto mo pa ba magpahila?"napalunok ako kaya naman dahan dahan akong pumunta sa tabi niya

"B-Bakit ba kasi dito pa ako magtatrabaho?"

"Oh anong gusto mo? magtatrabaho ka ng walang customer?"

"M-Malay mo magkaroon ng customer, at tska wala naman akong magagawa dito"

EVERY FAN GIRL'S LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon