Chapter 5

20 2 0
                                    

Pagka uwi ko ng bahay..

"OMYGOD! KEI!"nagulat ako nang nasa may sala si Kei , kaya naman tumakbo ako papunta sa kanya dahil sobrang namiss ko siya

"Kei! I miss you! Sabi mo bukas ka pa dadating?"

"Surprise? Hahahaha"umayos ako ng upo at tinaas yung dalawang kamay ko para manghingi ng pasalubong , napangiti ako nang may kinalkal na siya sa bag niya

"Eh? Lips candy?"

"Oo , tira ko yan nung bumili ako kanina baka kasi masuka ako sa byahe"

"S-so ito pasalubong mo sakin?" Naka sarcastic smile parin ako sa kanya

"W-wala na bang ganito sa tindahan ngayon?" Dagdag ko

"Hahahaha matulog ka na"

Keileigh's POV

nakakahiya , wala tuloy akong maibibigay kay Zam ngayon . Ramdam ko na talaga sa kanya na may hinihintay siyang pasalubong sakin kaso nga lang nabasag na at kasalanan ng gunggong na yon.

Kinabukasan...

"HOY ZAM! YUNG ALARM CLOCK MO KANINA PA TUMUTUNOG!"sigaw ko kay Zam at pumasok sa kwarto niya

"Zam! Ang ingay!"lumapit ako sa kama niya at may sticky note

"Pakigising ako Kei , may lakad ako ngayon"

"Hay nako , ikaw sa lahat ng may lakad ikaw tong pa prinsesa gumalaw" sabi ko sa kanya kaya naman inalog alog ko na siya hanggang sa magising na

"Good morning Zeke"nanlaki yung mata ko , Zeke?

"Hoy Zamira! Gumising ka na at sinong Zeke yan ha?!"

"O-oy Kei good morning" nagising na ng tuluyan si Zam kaya naman hinawakan ko siya sa magkabilaan niyang balikat

"Hoy babae , sino si Zeke?"

"Ah eh , sa susunod ko na ikwento , teka malelate na ako sa lakad ko , gusto mo ba sumama?"

"Ayoko , pagod ako , mag ingat ka nalang"

"*sigh* okay maliligo na ako"

Zam's POV

*kringkring*
Sumakay na ako sa may bike ko at dumaan muna sa shop nila Zeke , tamang tama nag wawalis ulit siya sa tapat ng shop nila

"Good morning Zeke"ngiting ngiti ko siyang binati pero tumingin lang siya sakin sabay tingin ulit sa winawalisan niya , at hanggang ngayon naka ngiti  parin ako sa kanya

"Ano?"TUGDUGTUGDUGTUGDUG grabe yung boses niya , isang salita lang pero ang lakas agad ng tibok ng puso ko

Nanliit yung mata ko dahil sa sobrang saya kasi umagang umaga ang ganda agad ng araw ko kaya naman nag paalam na ako sa kanya

"Hihihi Good bye Zeke"nang makarating na ako sa pagkikitaan namin ni Shayne nakita ko siya nakatulog sa may shed

"Uy Shayne , Sorry"

"I-ikaw pala , Okay lang sanay na ako hahahahaha , hmmm ano tara?"

"Saan ba tayo?"

"Actually yayayain sana kita manood ng isang show kaso"

"Kaso ano?"

"N-nawala ko ying ticket eh"

"Aw sayang namam , di bale marami pa namang chance na mapapanood natin yon"nag gala gala na kami ni Shayne nang may makabangga sakin

"Hala ate sorry"

"Hindi okay lang"sabi ko , kaya pagkaalis namin sa harap ng babae bigla siyang pumunta sa harapan ko

EVERY FAN GIRL'S LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon