Chapter 10

18 1 0
                                    

Umupo na muna ako dahil feeling ko nawalan na ako ng energy kakasuka .

"Zamira Pien"napatingin ako sa kanya
"Umupo ka nga , ang tangkad mo eh ang sakit sa leeg" sabi ko kaya naman umupo din siya kaso

TUGDUGTUGDUG
"D-doon ka banda w-wag kang masyadong malapit"kaya naman umurong siya onti papalayo sakin
"Zamira , anong ibig mong sabihin kay Ate Ella kanina?"
"Ah eh , w-wala yon"
"*sigh* wag ka sanang aalis"
HALA HOY ANO DAW YUN? , D-DI AKO PINAPAALIS NI ZEKE?!

TUGDUGTUGDUGTUGDUG

"h-huh?"
"Wag ka sanang umalis , kasi dahil sayo naging masaya ng ganon si ate Ella"napabuntong hininga ako
"Tara na anong oras na oh "nakabusangot ako nang patayuin niya ako
"Muka kang bibe"
"C-che"

Christmas..

"Ate naman , bakit kasi yan pa pinatungtong mo diyan?"
"Gusto kasi ni Zam na siya mag lalagay ng star"
"Oo nga tska abot ko naman eh"maya maya nalagay ko na at bumaba na ako

"Okay sa ngayon tutal at mag ch- christmas na kailangan naka suot tayo ng christmas hat!"
"Yey!" Sigaw namin ni Zian at si Zeke naman napa crossed arm lang

Maya maya dahil di pa time ng trabaho ko kinausap ko muna si Kei sa may bahay

"Kei , ano ba pwedeng iregalo kay Zeke?"
"Huh? , hoy dont tell me wala kang balak icelebrate birthday mo?"
"Ano ka ba , pag napasaya ko sa christmas gift ko si Zeke , para na ring may niregalo siya sa birthday ko"

At maya maya may naisip akong idea kaya umakyat na muna ako sa kwarto ko at kumuha mg mga tela at gumawa ng plies na unan

Maya maya...

"Okay so lalagyan ko nalang ng mata , bibig at blush to para maging cute and ....... Done!"napangiti ako at ang cute ng kinalabasan ng ginawa ko

Binalot ko na at pumunta na sa shop sabay pasimpleng nilagay sa ilalim ng christmas tree

"Open parin ba tayo hanggang bukas?"
"Katoliko ka ba talaga ?"tanong sakin ni Zeke at umalis na sa tabi namin ni ate Ella at pumunta na siya sa may repairing shop
"Hahaha , hindi na at tska christmas na yon diba? Hanggang ngayon lang tayo open"
"Ahh , eh sige po magtatrabaho na po ako"

"Pwede ba makadate namin si Zeke?"
"Pwede ba siya nalang i order namin?"ito na naman sila . Naka sarcastic smile nalang ako

Hanggang sa mag sarado na kami at excited na akong ibigay yung regalo ko kay Zeke

"Baby Zian , pwede ba pakitawag si Papa sa kabila?"
"Okay po mama"napangiti ako at hinihintay nalang namin si Zeke
"Hello!" Napatingin kami sa pinto
"Kei! Buti naman at di ka tumakas" sabi ko sa kanya at pinaupo na rin siya
"Asan si Zeke?" Tanong ni Kei
"Andun tinatawag na ni Zian"sabi ko nang dumating na si Zian
"Mama ? Wala po si papa"
"Huh? , baka naman nag cr?"
"Bukas po yung pinto ng cr at wala po siya don"
"Eh asan na yung lalaking yun?" Napatingin ako kay ate Ella
"Saglit lang ha , tatawagan ko siya"nakaramdam ako ng lungkot , asan siya??

"Ate Zam wag ka po mag alala , baka po pa uwi na po si Papa at may binili lang po , malay niyo po regalo niya para sa inyo po"napangiti naman ako pero parang may kakaiba akong nararamdaman.

Ziella's POV

"Zeke asan ka?!"
"Ate "
"O-oh bakit ganyan boses mo? Anong nangyari sayo?!"
"Sabihin mo happy birthday kay Zamira"
"Huh?! Teka hoy lalaki asan ka?"
"Ate , gawin mo nalang yung sinasabi ko please ? Ayokong maging malungkot si Zamira ngayon"
"Sa ginagawa mo palang ngayon Zeke , nalulungkot na si Zam!"
"P-pero ate mas lalo siyang malulungkot pag nalaman niya kung asan ako"
"Hoy Zeke , pati na rin ako kinakabahan na ha , asan ka ba talaga at bakit malulungkot siya pag nalaman niya kung asan ka ngayon?"
"Z-Zam" sabi ko ,nagulat ako nang biglang kunin ni Zam yung phone ko

EVERY FAN GIRL'S LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon