Chapter 1

33 0 0
                                    

    *ALARM ALARM* *ALARM ALARM*

Tsk! Mayroon pa bang mas annoying sa tunog ng alarm clock na umiistorbo sa mahimbing na pagtulog mo? Grabe lang! Sunday na sunday kelangan kong gumising ng maaga, eh anong oras na akong natulog kagabi. -____- Pero kahit inaantok pa at tamad na tamad pa akong bumangon sa napaka-lambot kong kama, kelangan ko ng bumangon. (Kahit sobrang labag ito sa loob ko.)

    *KNOCK KNOCK*

    "APHELIA JANE!! BUMANGON KA NA!! ANONG ORAS NA, ABA!" Yan lang naman po ang sigaw ng Mama ko habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.

    "Nakabangon na!" Sigaw ko para tigilan na din niya ang pagkatok sa pintuan ko.

Pagkabangon ko, dumiretso na ako sa banyo at naligo na. Pagtapos kong maligo, nagmadali na akong magbihis atsaka bumaba na para makakain ng almusal bago umalis. Nang nahugasan ko na yung pinggan, sakto din namang bumaba na si Mama.

    "Tara na?" Tanong ni Mama. Tumango na lang ako bilang sagot.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Nakarating na kami dito sa Simbahan na lagi naming pinupuntahan every Sunday. Pero sobrang unordinary ng araw na to. Ang dami kasing tao! Normally hindi napupuno tong Simbahan na to kasi hindi naman to masyadong nakalabas sa public area (Yung tipong limited lang ang may alam ng lugar na to) kaya nga ang unusual na madaming tao dito.

At ayun na nga! Dahil madaming tao ngayon, medyo mahirap sumiksik para makahanap ng maayos na pwesto.

Nang makahanap na kami ng mappwestuhan na upuan at nakaupo na si Mama, wala ng space para sa akin na pwedeng upuan kaya no choice ako kundi tumayo, kasi kahit payat hindi na talaga makakaupo eh.

Naglakad na lang ako papunta sa likuran kung saan nakatayo ang mga taong tulad ko na hindi pinagpalang makaupo -.-

Nagsimula na ang homily ni Father ng napasilip ako sa may entrance ng Simbahan. Saktong may pumasok na isang matangkad na lalaki. Feeling ko tumigil ang oras at kami lang ang tao sa Simbahan.

'Hay, ang pogi mo pa din' sabi ko sa isip ko, 'kahit nakapantalon at polo ka lang ang pogi pogi mo.'

Grabi na itooooo!! Hindi ko kinakaya yung kagwapuhan niya! Hindi ko na nga naiintindihan si Father sa homily niya. Si Pogi kasi eh!! :"">

Actually, weeks na ang nakalipas nung unang beses kong nakita si Pogi. At simula nun, isa na siya sa mga reason kung bakit ako gumigising ng maaga para magpunta ng simbahan. 'Crush at first sight' eh.

Naputol ang pagmo-monologue ko nang marealize kong wala na si Pogi sa entrance ng Simbahan!

'Asan na?! Asan na si Pogi?!' malungkot kong sabi sa isip ko.

Ayun, sumandal na lang ako sa dingding ng Simbahan at nagdecide na makinig kay Father.

'Baka malayo yung pwesto niya.' malungkot na sabat na naman ng utak ko.

Pero habang nakikinig kay Father, may lalaking bumaling ng atensyon ko.

'Si Pogi!! OMG! OMG!!' nagwawala na sabi ng isip ko.

Nang kumalma na yung buong sistema ko, tinignan ko siya at nakita kong papalapit siya sa dingding na sinasandalan ko.

SHET APHELIA KUMALMA KA!!

Nakarating na siya sa tabi ko at ginaya niya yung pwesto ko. Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng isang nakakamatay na ngiti.

'Ang pogi niya lalo pag naka-ngi-TEKA! NGINITIAN NIYA AKO?! NGINITIAN AKO NI POGI?! OMG!!!' nagsimula na namang magwala yung buong sistema ko sa ginawa niya!!

Pero para hindi halatang kinikilig ako sa ginawa niya ay binigyan ko siya ng napaka-simpleng ngiti.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Ilang minuto na ang makalipas nang nangyari yung ngitian moment namin ni Pogi. Ngayon tahimik lang siyang nakikinig kay Father at ako naman ay hindi mapakali sa kinatatayuan ako.

Bakit? Ang awkward kasi! Ano ba!

    "Let us all give each other the sign of Peace." hudyat ni Father at nagsimula na ang mga tao na magbatian ng 'Peace Be With You'.

At, ehem, eto nanaman po ang moment ko! Pagkatapos kong batiin ang nasa harap at kaliwa ko, humarap ako sa kanan ko, at doon nakita ko siya na nakatingin sa akin habang nakangiti.

    "Peace be with you!" bati niya sa akin.

    "Peace be with you!" sabi ko naman sa kanya ng may simpleng ngiti. Haha!

Communion na. Dahil sobrang daming tao, hindi ko na binalak na makipagsiksikan at pumila. Nanatili lang akong nakasandal sa pader na kanina ko pa sinasandalan, ng....

    "Hi!" may biglang nagsalita malapit sakin.

Tiningnan ko kung sino ang nagsalita. Isang lalaki na nakapantalon, matangkad, at naka-polo. Tumingala ako ng konti para makita yung mukha niya at nagulat ako sa nakita ko!

Si Pogi.

Nag-Hi sa akin si Pogi.

O-M-G! TOTOO BA TO?!

Tinititigan niya ako na para bang naghihintay ng sagot mula sa akin.

Hindi ako sure kung ako ba talaga yung kinausap niya, so hindi ako sumagot.

    "Hi!" ulit niya sabay slide papalapit sa akin.

This time, sure na ako. Ako nga ang kinakausap niya.

Nginitian ko lang siya.

Pa-HARD TO GET ako eh! HAHAHA!

    "Anong pangalan mo?" sabi niya.

    "Uhm," sabi ko, "sabi kasi ng magulang ko, 'Don't talk to strangers!' Sorry!" See? Pa-HARD TO GET! HAHA!

    "Ah, ganun ba?" sabi niya. Tinanguan ko lang siya at ngumiti pero nagulat ako nang ilahad niya sa harap ko yung kanang kamay niya,

    "Patrick Joseph David, 17 years old. Oh ayan hindi na ako stranger huh?" sabay ngiti.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[AUTHOR'S NOTE:]

FIRST CHAPTER DONE! SECOND CHAPTER, SOON TO COME! KAHIT UNANG STORY PALANG NAMIN TO NG COUSIN KO, WE'RE HAPPY KASI MAY NAGBABASA KAHIT PAPANO! THANKYOU FOR READING! :)

Strangers [ON-GOING SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon