Aphelia's P.O.V
"Ah, ganun ba?" sabi niya sabay lahad ng kanang kamay niya, "Patrick Joseph David, 17 years old. Oh ayan hindi na ako stranger huh?" sabay ngiti.
'Patrick Joseph David. 17 years old. Oh ayan hindi na ako stranger huh?'
'Patrick Joseph David. 17 years old..'
'Patrick Joseph David..'
PATRICK JOSEPH DAVID? 17 years old? OMO!
After 30 good seconds, nagsink-in na sakin na nagpapakilala si Pogi sakin.
OMG! WHAT TO DO?! WHAT TO DO?! Pangalan lang naman diba? Mommy! Daddy! Soooooorry! Pangalan lang naman eh. Hindi ko kayang tanggihan 'tong nilalang na ito. Sorry! :D
Kinagat ko nalang ang aking labi para pigilan ang abot galaxy kong ngiti.
"Uhm.. Aphelia. Aphelia Jane Benavides." sabay ngiti at abot ng kamay niya.
OH-MY-DEE! Ang kanyang precious hands! Parang unan lang sa lambot! :>
Pagkatapos ng pagkakilala, back to normal na ulit kami.
Tumabi lang siya sa akin at pinanood ang mga taong bumabalik sa kani-kanilang pwesto.
After 8129610698 years, natapos na din ang misa.
Hahanapin ko na sana si Mama ng hawakan ni Po- I mean ni Patrick yung siko ko.
Naramdaman kong uminit ang buong mukha ko.
'Kalma Aphelia! KALMA!' sabi ng utak ko.
"Huh?" tanong ko.
"Aphelia.. ano kasi eh... uhm.... kasi... ano...." ano ba to? Magpapasama ba siya sa CR? Nasusuka? Natatae? OH NOES! Turn-off! "kasi... pwede ko bang makuha ang number mo?"
Phew! Number lang pal- WHAT?! Number ko?! Okay! I'm dead!
"Uhm.. Ano kasi.. hindi kasi ako nagbibigay ng number ko sa ibang tao eh." sagot ko.
REMEMBER! PA-HARD-TO-GET! :))
"Huh? Ibang tao parin ba ako?" tanong niya.
"Eh kasi kakakilala ko palang sayo ngayong araw eh. Sorry!" sagot ko.
"Ah! Sige ganito nalang.." sabi niya "Pag nagkita nalang ulit kita atsaka ko hihingin yung number mo. Okay ba yun?"
"Uhm.. Sige okay lang. Sige, una na ako. Baka hinahanap na ako ng Mama ko eh." sagot ko. Atsaka nagpaalam na.
"Ah sige! Ako din baka hinahanap na ako. Sige! Nice meeting you Aphelia!" paalam niya sabay ngiti na may wave pang kasama.
'OMG WHY SO POGI PATRICK JOSEPH DAVID!' sabi ng isip ko.
"Nice meeting you din Patrick!" sagot ko with smile atsaka umalis na.
Nauna na ako at BOOM! PAK! Nakita ko si Mama na nakatayo sa pwesto niya, at nakangiti na abot hanggang Giant's Lair sa akin. Teka? Nakangiti sa akin? SA AKIN?! OMG! NAKITA NIYA?!?!
Nilapitan ko siya habang nakakunot ang aking noo. Inosente kuno. Haha!
"Nak, alam mo, hindi ko alam kung kanino mo namana yang kalandian mo!" sabi niya tsaka nagsmirk.
"MAMA NAMAN!" sagot ko.
"Haha! Joke lang naman! Alam ko namang bigatin ka sa pogi eh! Mana ka kaya sa akin." hirit pa niya.
"Weh? Si Mama nagjjoke!" biro ko.
"Aba't-" babatukan na sana niya ako pero nakaiwas ako agad. Ha! Talking about ninja moves! Haha!
"JOKE!" sabi ko with double peace sign "Ma tara na nga! Uwi na tayo nagugutom na ako eh." hinila ko na siya para maghintay na ng jeep at makauwi na.
Pero habang naghihintay ng masasakyang jeep, ang magaling kong Mama nagsalita.
"Pero teka! Sino ba kasi yung lalaking kausap mo kanina? Ha?!" tanong niya.
"Hay nako! Si Mama talaga! Usisera!" biro ko.
"Hoy! Hindi ako usisera no! Nanay mo ako!" sigaw niya.
"Whatever Ma!" sabi ko at pumara na ng jeep.
Tumawa lang si Mama bilang sagot sa akin.
'Baliw na si Mama!' sabi ko sa isip ko.
Nakarating na kami sa bahay pero si Mama hindi padin ako tinatantanan sa kakatanong tungkol sa nakita niya kanina. Kaya ayun kinwento ko na kasi hindi niya ako papatulugin hanggat hindi ko nasasabi sakanya yung kwento.
'HAY PATRICK JOSEPH DAVID.. sana Sunday na ulit'
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[AUTHOR'S NOTE #2:]
CHAPTER 2!!! SORRY KUNG SHORT UPDATE. WE'LL TRY OUR BEST FOR A LONGER ONE PO! THANKYOU AGAIN FOR READING! ❤❤