Aphelia's P.O.V
"Hoy Aphi! Tama na nga yang pag huhukay mo jan sa cabinet mo. Para namang napakahalaga ng pupuntahan mo." sabi ni Erebus habang kumakain ng sandwich at nakaupo sa kama ko.
"Una sa lahat Erebus, wag kang kumain sa kama ko. May lamesa naman sa baba, dun ka kumain! Pangalawa, wag kang ano! First date to kaya mahalaga to sakin!" sermon ko sakanya atsaka nagpatuloy sa pag hahanap ng maisusuot ko.
Kanina pa tong si Erebus eh. Actually, kagabi pa nga siya kontra ng kontra eh. Nung sinabi ko sakanyang inaya ako ni Patrick na lumabas aba't kung makapagbawal sakin akala mo tatay ko. Tsk!
"Eh kahit ano naman kasing suotin mo bagay sayo eh!"
"Talaga? Ano magddress nalang ba ako? Or skirt and tshirt?"
"Kahit ano nga bagay diba? Tsk! Tsaka umayos ka nga ah! Nagpapaganda ka pa para sa first date na yun pero pag tayo yung lumalabas mas mukha ka pang yagit sa yagit!"
"Hoy! Grabe ka makayagit ah! Iba naman kasi to eh! Date to, DATE! Hindi to normal na gala-gala lang." sabi ko atsaka niya ako inirapan. Napaka talaga netong lalaking to! Tsk!
"Aalis na ako!" paalam niya pagtapos niyang isubo ang last na piraso ng sandwich niya na ako ang may gawa! Tch! "Yung baby pink dress tsaka yung denim vest, maganda! You're Welcome!" sabi pa niya atsaka padabog na lumabas ng kwarto ko.
Dumungaw ako mula sa kwarto ko, "Thankyou bestfriend! The best ka talaga! You're welcome din sa sandwich na kinain mo!" sigaw ko atsaka ko narinig ang pagbagsak ng pintuan namin.
~~~
Tinitingnan ko na ang sarili ko sa full-length mirror na nakalagay sa tabi ng drawer ko dito sa kwarto.
"Okay na naman siguro to ano?" tanong ko sa sarili ko. Simple na lang ang sinuot ko matapos ang halos 2 hours na paghuhukay sa cabinet ko para sa isusuot ko. Sinuot ko ang dress at denim vest na sinabi ni Erebus kanina atsaka nagsuot ng sandals. Binraid ko naman ang kapirasong buhok sa ilalim ng magkabila kong tenga atsaka ko cinross para makagawa ng braided headband. Naglagay din ako ng onting pulbos, mascara, at lipgloss.
Bumaba na ako sa may sala namin atsaka ko nakita si Mama na nghihintay sa akin.
"Grabe, anak! Ang ganda ganda mo ngayon. Kuhang kuha mo talaga yung ganda ko." hirit ni Mama habang hawak hawak ang balikat ko at tumatawa ng parang pang-beauty queen, "Excited na ako sa date niyo ni Patrick!"
"Halata nga Ma eh!" mejo-sarkastikong sabi ko kay Mama atsaka ngumiti sakanya.
*Ding dong* *Ding dong*
Nanlaki ang mga mata ko nung marinig ko ang tunog ng doorbell namin. OMG NANDITO NA SIYA!!
"Ako na magbubukas ng gate, Anak!" sabi ni Mama atsaka nagmadaling lumabas para pagbuksan ng gate si Patrick.
Dali dali akong umakyat ulit sa kwarto ko para tingnan muli ang sarili ko sa salamin. "Okay na to! Okay na! Simple lang!" paulit-ulit na sabi ko sa utak ko, "Wag kang kabahan. Si Patrick lang yan. Kalma Aphelia Jane! Kalma!"
Ng narinig ko na ang pagsigaw ni Mama sa pangalan ko, dali dali kong kinuha ang baby pink satchel ko sa kama atsaka bumaba para harapin si Patrick. Pero hindi pa ako tuluyang nakakaapak sa sala namin nagsalita na siya agad.
"You look really pretty today, Aphelia!" pagbati niya sakin. At eto naman ako pinipigilang kiligin at magblush.
"Thankyou, Patrick! Ikaw din!" sabi ko with matching ngiti ng sweet, "You look really handsome today."