Patrick's P.O.V
Ako nga pala si Patrick Joseph David, 17 years old, 5'10, mahilig mag-soccer, and definitely single and ready-to-mingle! HAHAHA!
Kakatapos lang naming magsimba ng family ko, at ito ako, ina-alala yung scene namin ni Aphelia Jane kanina. ANG GANDA NG PANGALAN DIBA MGA TOL?! BAGAY NA BAGAY SA KANYA!
"Kuya, bakit hindi mo ginagalaw yung food mo?" sabat ng kapatid ko sa gitna ng pagd-day dream ko kay Aphelia Jane. Hay, nakaka-inlove talaga shet! (at nakakabakla!) ♥♥♥
"ARAY!!" Napabalik ako sa realidad nang may pumalo sa ulo ko ng tinidor.
Tumingala ako at nakita ko ang kapatid kong nagpipigil ng tawa habang kumakain. AHA!
Tiningnan ko siya ng masama at nanlaki ang kanyang mata.
"OOPS! HINDI AKO YUN!" ngunit lalo ko pa siyang tinignan ng masama.
"I SWEAR KUYA! DI AKO YUN!!" sabi niya with matching iling at taas ng kanang kamay.
"Whatever, LJ." nilakasan ko talaga yung pagsabi ng "LJ" para siya naman ang mainis.
Kumunot ang kanyang noo at inirapan ako. Tss. Para namang madadaan niya ako sa irap niya.
Inirapan ko din siya at nahagip ng mata ko ang tissue na nasa tabi niya.
*TING!*
"Paabot nga ng tissue, *ehem* LJ." seryoso kong sabi sa kanya.
Lalong kumunot yung noo niya at binato sa mukha ko yung lalagyanan ng tissue.
"ARAY!" sapul yung ilong ko dun ah!
"HAHAHAHA! KUYA PWEDE KA NANG KANTAHAN NG 'RUDOLPH THE RED NOSE REINDEER!' HAHAHA!"
Kung itatanong niyo kung nasaan yung parents namin? Ayan, nanonood lang. Tsk. Sanay na kasi sila sa ganitong pangyayari. HAHA!
Tinignan ko siya ng masama at lalo pang tumawa.
"Tss. LJ." sabay ngiti ng nakakaloko. HAHA! Ang totoo kasi niyan guys, Laurene Jane ang pangalan netong babaeng to. Ayaw niya nang tinatawag siyang LJ. Ang baduy daw kasi. Tsk.
"Whatever!" Yes!! Panalo ako!! Wahahahaha!!
Kumain na lang siya ulit kaya kumain na lang din ako.
"LJ, --"
Napahinto yung taong nagsalita nang mapansin niyang nakatingin kaming lahat sa kanya.
Nilingon ko si Laurene at...
"PFFFT!!" pigil ko sa tawa ko. Eh pano kasi, yung itsura niya! HAHAHAHAHA! COMEDY AMP! Umuusok yung ilong!! Hahahaha!!
Tinignan niya ako ng sobrang sama at parang nasemento ako sa tingin niya kaya tumahimik na lang ako. OKAY TALO AKO. 1-1!!
Tinignan ulit namin yung nagsalita.
"Uhh, I mean, Laurene, paabot naman nung rice."
"Grr." sabi niya pero inabot parin niya yung rice kay JL.
Guys, meet JL, short for Joseph Lawrence, ang one and only kambal netong si LJ. Kung inaakala niyong tahimik itong si JL, diyan kayo nagkakamali. Mas madaldal pa to at mas matinding mang-asar kesa sakin kaya di sila gano magkasundo ni LJ. Busy kasi siyang kumain kanina kaya di niya kami sinaluhan sa pag-aasaran.