Chapter 4

25 0 0
                                    

Patrick’s P.O.V

 

*Waiting Shed*

 

    “…… Spirit of Simplicity?”

 

    “Apheleia”

~~~~~~~~~~~~

Habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep, hindi maalis sa isip ko yung sagot na binigay ko kay Edward kanina.

‘Yun pala ang ibig sabihin ng pangalan niya.” sabi ko sa isip ko.

 

Ang galing naman nun! Saktong sakto kasi yung pangalan niya sa itsura niya.

 

Spirit of Simplicity, Aphelia. 

Napakasimple lang ng Aphelia na nakita ko sa simbahan nun. 

Simple manumit. Simple magayos. Walang kung anong bahid ng makeup sa mukha. 

Nung una ko nga siyang nakita akala ko pa titibo-tibo siya eh.

Nakapantalon, t-shirt, at ponytail lang kasi siya nun. Parang lalaki pa kumilos. 

Pero simula nung time na yun, nahumaling na ako sakaniya. 

CRUSH AT FIRST SIGHT EH!!

 

Ang ganda ganda niya kasi sa paningin ko kahit ganun siya magayos. 

Ibang iba siya kay Anaideia. 

Pasakay na ako ng jeep ng mga oras na ito. As in ihahakbang ko nalang yung kanan kong paa para makasakay pero huminto ako.

 

    “Boy! Sasakay ka ba o ano?!” pasigaw na tanong ni Manong Driver. 

    “Ay pasensya na ho!” paumanhin ko sabay umatras at tumabi sa daan.

Humarurot na ang jeep na dapat na sasakyan ko paalis. 

Kasabay ng pagharurot ng jeep, ang pagtakbo ko para habulin yung babaeng nakita ko. 

Mejo malayo na yung nalalakad niya. 

Pero kaya ko pa! Soccer player ata to!

Tumakbo na ako ng napakabilis maabutan lang yung babae na iyon. 

Para din kasi siyang hinahabol ng kung anong hayop sa bilis ng lakad niya eh. 

Sa bilis ng takbo ko, muntik pa akong matalisod sa malaking bato. 

Pero dahil pinagpala ako ni Lord, naabutan ko parin yung babae na hinahabol ko. 

Patawid na sana siya ng bigla akong humarang sa harapan niya.

   *pant pant* “Uhm.. Hi Aphelia!”

 

Aphelia’s P.O.V

 

Nanlaki ang mga mata ko nung makita ko siya.

    “A-anong g-ginag-gawa m-mo d-dito?” paputol-putol na tanong ko sakanya. 

    “Wala! Nakita kasi kita eh kaya sinundan kita!” sagot niya sabay ngiti. 

Tinitigan ko ang muka niya. Pawis na pawis siya. Siguro tumakbo siya para maabutan niya ako. 

Strangers [ON-GOING SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon